Ina ni Wakim, ibinunyag na si 'Myrtle Sarrosa' ang rason ng pagsali ng anak sa PBB otso

Ina ni Wakim, ibinunyag na si 'Myrtle Sarrosa' ang rason ng pagsali ng anak sa PBB otso

-Ibinunyag ni Atty. Neli Regalado na si Myrte ang nagsilbing inspirasyon ng kanyang anak na si Wakim sa pagsali nito sa PBB

- Humanga raw si Wakim kay Myrtle na sa kabila ng kanyang showbiz career ay napagtagumpayan pa rin nitong magtapos sa Unibersidad ng Pilipinas bilang 'cumlaude'

- Isiniwalat din ng ina ni Wakim ang kondisyon ng anak at kung paano nila iyon dinadala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ng ina ni Wakim Regalado na si "Myrtle Sarrosa" ang inspirasyon ng anak sa pagsali sa PBB otso.

Si Myrtle ang Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 Big Winner noong 2012.

Kwento ni Atty. Regalado, humanga si Wakim kay Myrtle dahil sa kabila ng magulong buhay ng pagiging artista ay nakuha pa nitong magtapos sa Unibersdad ng Pilipinas bilang 'cumlaude.'

Kahanga-hanga rin daw ang ugali ni Myrtle na likas na mabait at pala-kaibigan bago pa man siya pumasok sa bahay ni kuya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katunayan, parang naging 'ate' na ito ni Wakim nang makasabay niya ito sa training ng isang vocal competition kung saan iisa ang kanilang instructor.

Mula noon, ramdam daw nila ang suporta ni Myrtle kay Wakim hanggang sa tuluyan na ng itong maging isang PBB housemate.

Samantala, pinaliwanag din ni Atty. Regalado kung paano nila dinadala ang kondisyon ng anak na ADHD.

Ito ay isang kondisyon kung saan 'hyperactive' at di makali ang taong mayroon nito. Minsan pa nga raw, hirap matuto ang may ganitong kalagayan.

Taliwas naman ito kay Wakim. Sa kabila ng kanyang kondisyon, napakahusay pa niya sa eskwela. Ito ay dahil sa inalam talaga ng kanyang ina kung paano palakihin ng tama ang batang may ganitong kondisyon lalo pa at 6 na taong gulang pa lang si Wakim nang malamang may ADHD siya.

Sa pangatlong pagkakataon, nominado muli sa Wakim na mapaalis sa bahay ni kuya. Ngunit, kinakitaan pa rin ito ng matinding kumpiyansa sa sarili.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel