Maggie Wilson, may matinding dahilan kung bakit ayaw kumuha ng nanny para kay Connor

Maggie Wilson, may matinding dahilan kung bakit ayaw kumuha ng nanny para kay Connor

- Nagbigay ng matinding dahilan si Maggie Wilson kung bakit ayaw niyang kumuha ng nanny para kay Connor

- Sa panayam kay Maggie, naibahagi niya ang mahalagang backstory kung bakit ito ang kanyang naging desisyon

- Ito ay sa kabila ng kanilang yaman ng kanyang business tycoon mister na si Victor Consunji

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa balita na napag-alaman ng KAMI, ibinahagi ni Maggie Wilson ang matinding rason kung bakit ayaw daw niya mag-hire ng nanny para sa kanilang unico hijo ni Victor Consunji na si Connor.

Ibinahagi ni Maggie sa PEP, ang tunay na rason kung bakit nakabuo siya ng ganitong desisyon sa kabila ng kanilang yaman ng business tycoon husband.

Gusto raw niya na lumaki at matuto ang anak ng independence at ayaw din niya na magpalaki ng isang "spoiled child" kaya nagdesisyon siya na hindi kumuha ng katulong para sa anak.

At naibahagi rin ni Maggie ang kanilang buhay ng mister bago pa man sila naging mag-asawa.

Saad pa raw ni Maggie:

"I didn't grow up with help. I grew up very middle class, and so did Vic."

Bago pa maging isang business tycoon ang mister ay lumaki raw ito sa Amerika kasama ang kanyang ina at stepdad nito, at kagaya niya, lumaki rin sa isang "middle-class family."

Patuloy pa na paliwanag ni Maggie sa kanyang desisyon para sa pagpapalaki ng anak:

"Yes, here in the Philippines, we have a lot of help, but we want to make sure that he knows how to do things on his own. It's very, very important."

Dinadala rin daw nila si Connor sa kanilang trabaho para raw maintidihan at maunawaan ng kanilang anak, na one day, kailangan din niya na gawin ito.

Una naming ibinahagi ang kanilang 'Billionaire cutie!' na si Connor.

Si Maggie Wilson ang naging Binibining Pilipinas World 2007 at bumida rin sa ilang mga TV shows.

2012 raw na kinasal si Maggie sa mister na si Victor B. Consunji, at noong 2012, ipinanganak ang kanilang unico hijo na si Connor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel