20 anyos na babae, pinakasalan ang kanyang 37 taong gulang na 'zombie doll'

20 anyos na babae, pinakasalan ang kanyang 37 taong gulang na 'zombie doll'

- Nagawang pakasalan ng isang 20 anyos na babae ang 'zombie doll' na kanyang karelasyon sa loob ng apat na taon

- Binigay daw ng kanyang ama ang zombie doll na may pangalang Kelly Rossi noong siya ay 13 taong gulang pa lamang

- Di man daw maintindihan ng karamihan ang kanilang relasyon, labis na kaligayahan naman ang kanyang naramdaman nang pakasalan niya ang kanyang zombie doll

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala raw pagsidlan ng kaligayahan ang 20 anyos na babae nang pakasalan niya ang 37 taong gulang na 'zombie doll' niya.

Ayon sa LADbible, nagawang pakasalan ni Felicity Kadlec ang kanyang zombie doll na si Kelly Rossi na kanya umanong karelasyon sa loob ng apat na taon na.

Kwento ni Felicity, 13 anyos pa lamang daw siya noon nang bilhin ng kanyang ama si Kelly para sa kanyang kaarawan.

Sa una'y wala siyang nararamdaman sa zombie doll ngunit habang tumatagal, lumalalim na ang emosyon niya para rito.

Nang pumanaw ang ama ni Felicity noong 2017, si Kelly ang kumalinga sa pangungulila ng "nobya." Doon mas lumalim daw ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

Tomboy daw si Kelly. Kaya naman sa araw ng kanilang kasal, si Kelly ang groom na nakasuot ng panlalaki habang si Felicity naman ang bride.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pakiramdam daw kasi ni Felicity, mas komportable si Kelly na maging groom sa kanilang kasal kaya naman pinagbigyan niya ito.

Nalaman ng KAMI na nasa $500 din ang nagastos ni Felicity para sa kanilang kakaibang kasalan ng kanyang zombie doll.

Maging sa kanilang pag-iisang dibdib, may ilang bisita rin na zombie dolls. Hinintay pa raw nila talaga ang buwan ng Setyembre dahil buwan din ito ng kaarawan nila ni Kelly.

Marami man ang di nakauunawa sa kakaibang relasyon ng dalawa, ang mahalaga raw ay tanggap nila at mahal nila ang isa't isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Mother dies after saving her 4 kids from their burning home

Mother dies after getting inside burning home to save her 4 kids

Mother dies after getting inside burning home to save her 4 kids
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel