4 na taong gulang na bata na naiwan sa nasusunog na bahay, himalang nakaligtas

4 na taong gulang na bata na naiwan sa nasusunog na bahay, himalang nakaligtas

- Himalang nakaligtas ang isang apat na taong gulang na batang babae sa sunog sa Cubao, Quezon city

- Aminado ang mga kamag-anak ng bata na naiwan nila ito dahil sa nakasaradong pinto na 'di nila agad nabuksan

- Naiwang kandila ang sinasabing pinagmulan ng sunog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabi raw talagang himala ang pagkakaligtas ng isang apat na taong gulang na sanggol sa nasusunog nilang bahay sa Cubao, Quezon city.

Aminado ang mga kamag-anak ng bata na naiwan nila ito dahil sa lakas ng apoy at sa nakasarang pinto.

Sa panayam sa tiyahin ng bata, sinubukan pa rin daw naman nilang hanapin ito at nagkanda-sunog na nga ang buhok ng lola nito ngunit 'di talaga nila ito nakita.

Ayon sa ABS-CBN news, inabot ng apat na oras bago maapula ang sunog. Sa tagal na iyon, inakala na talaga ng pamilya na na-abo na ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit di nawalan ng loob ang lolo nito at patuloy pa rin itong hinanap. Nagsalita lamang daw ang lolo ng "Precious, nasaan ka?," laking gulat nila nang sumagot ang bata ng "nandito po ako."

Nalaglag na ang bubong ng bahay at maging ang ang dingding ay na-abo na rin. Kaya naman laking pasalamat nila na nabuhay at nakaligtas ang bata ng walang anumang malubhang sugat.

Bandang alas otso ng gabi ng Martes, Pebrero 12. Ayon sa tiyahin ng bata, naiwang kandilang nakasindi ang siyang pinagmulan ng sunog.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky question.

Source: Kami.com.ph

Related news
Meralco, nag-anunsiyo ng brownout sa ilang parte ng bansa mula April 23-28

Meralco: Ilang parte ng Pinas, makakaranas ng brownout ngayong Abril

Meralco, nag-anunsiyo ng brownout sa ilang parte ng bansa mula April 23-28
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel