Luxury hotel restaurant kung saan nagtatrabaho ang inirereklamo ni Sunshine Cruz, tumugon

Luxury hotel restaurant kung saan nagtatrabaho ang inirereklamo ni Sunshine Cruz, tumugon

- Umabot na nga sa pamunuan ng luxury hotel restaurant kung saan naka-assign daw ang inirereklamo ni Sunshine Cruz

- Agad tinugunan nila ang pinag-uusapang balita ngayon kaugnay sa isa sa kanilang support staff

- Ibinahagi ng aktres ang kumpletong tugon ng nasabing pamunuan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tumugon agad ang pamunuan ng restaurant ng luxury hotel sa Manila kung saan naispatan na nagtatrabaho ang inirereklamo na lalaki ni Sunshine Cruz.

Spotted ng KAMI ang screenshots ng official na statement ng 'Japanese European Fine Bistro' sa naturang luxury hotel na ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram page.

Ani pa ng pamunuan ng bistro, kamakailan lang daw ay tinawag ang kanilang atensyon tungkol sa isa sa kanilang support staff na pinuna dahil sa "uncouth behavior" o pangit na gawi.

Dugtong pa ng resto ng nasabing luxury hotel, kasalukuyan ay iniimbestigahan nila at ng employer ng naturang support staff ang bagay na ito at sinigurado na hindi nila tinotolerate ang ganitong klaseng gawain.

Nakipag-coordinate na rin daw sila sa mga government agencies para malaman ang katotohanan at humingi rin ng paumanhin sa hindi kaaya-ayang mga mensahe.

Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon tungkol dito.

"Mahirap kalaban ang mga nanay."
"Tama!! Kailangan patulan at ireport ang kababuyan na yan lalo pa na kung anak ang usapan!!!"
"yan!!! Abangan natin action nila!!! Para di na tularan ng iba! "
"Tama lang po gnawa nyo miss Sunshine. Hindi dapat tinotolerate mga ganyang klaseng pag-uugali kasi baka mas marami pang mabastos. Grabe. Nakakakilabot. Be strong po miss @sunshinecruz718 .."

Nagpalasamat naman si Sunshine sa mabilis na aksyon ng pamunuan ng naturang bistro sa nasabing luxury hotel at sa lahat ng mga netizens sa suporta.

Ang balitang ito ay kaugnay sa naunang pagsiwalat ni Sunshine Cruz sa isang lalaki na nagpapadala sa kanya ng malalaswang mga mensahe sa kanyang direct messages sa IG.

Si Sunshine Cruz ay nagmula sa mga sikat na angkan sa showbiz, ang Cruz.

May tatlong mga magagandang dalagitang mga anak na si Sunshine sa dating mister na si Cesar Montano.

POPULAR: Read more news about Sunshine Cruz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel