Paranormal expert, multo at hindi manananggal ang naramdaman sa ginugulong bahay

Paranormal expert, multo at hindi manananggal ang naramdaman sa ginugulong bahay

- Nagreklamo ang isang pamilya sa Calasiao, Pangasinan na di umano'y ginugulo sila ng mananaggal

- Halos gabi-gabi na raw kasing may kumakaluskos at may nag-iigay sa pamilya ni Marielle at labis na silang nagagambala

- Tumulong na ang isang paranormal expert upang masagot na ang mga katanungan sa kung anuman ang nag-iingay sa kanilang bubungan gabi-gabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pamilya ang dumulog sa Kapuso mo, Jessica Soho dahil sa di umano'y nilalang na gumagambala sa kanila gabi-gabi.

Ayon sa nagpakilalang si "Marielle", nagsimula ang mga kalabog at iba't ibang pag-iingay noong Enero 27 sa mismong bahay nila sa Calasiao, Pangasinan. Ito pa naman ang ika-40 araw ng kamatayan ng kanyang mister.

Nakarinig sila ng malakas na pagbagsak sa kanilang bubungan. Mula raw noon, gabi-gabi nang may bumabagsak, kumakalabog at minsan pa nga raw ay may pumapagaspas pa.

Dito naghinala na sila na mananangal ang nanggugulo sa kanila.

Agad na silang naglagay ng bawang, asin at holy water sa paligid ng bahay. Gumawa na rin siya ng spray mula sa mga ito at nilalagay niya sa kanilang damit bago matulog upang si sila malapitan ng pinaniniwalaang aswang.

Napatunayan pa nila ito nang ang mismong nobyo ng anak ni Marielle ang nakakakita raw ng manananggal sa bubungan ng bahay ng nobya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napeperwisyo na raw sina Marielle kaya humingi na sila ng tulong sa progrma ng GMA. Agad namang pumunta ang team ng KMJS at kasama ang paranormal investigator na si Anna Dela Cruz.

Imbis na manananggal, iba ang naramdaman nito sa bahay nina Marielle. Ayon kay Anna, naroon pa raw ang kaluluwa ng asawa ni Marielle na yumao. May mensahe pa ito sa kanyang pamilya na di dapat mag-alala ang mga ito at di pa rin daw niya sila pinababayaan.

Samantala, nag-set-up din ng mga cctv sa bahay nina Marielle at sa loob ng ilang gabi, pusa lamang ang nakita nila sa bubong ng nagrereklamong pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Tricycle driver na nakapangasawa umano ng foreigner, nag-viral

Tricycle driver na nakapangasawa umano ng magandang foreigner, nag-viral

Tricycle driver na nakapangasawa umano ng magandang foreigner, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel