Netizens, na-inspire sa video ng lumpo na naglalako pa rin ng ice cream

Netizens, na-inspire sa video ng lumpo na naglalako pa rin ng ice cream

- Marami ang napukaw ang damdamin sa video ng isang lumpo na matiyagang nagtitinda parin ng ice cream

- Nakunan ito na nagpapahinga pansumandali at mapapansing may kabigatan ang kanyang dalang paninda ngunit patuloy pa rin ito sa paglalako

- Umani ng papuri ang masipag na ice cream vendor na ito dahil di niya ininda ang kanyang kondisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw atensyon ngayon ang video na binahagi ni Geri Katigbak Tirona-Zamora sa Pilipino Star kung saan isang lumpong ice cream vendor ang nakunang nagpapahinga.

Ang nakamamangha pa rito, tila sandali lamang siyang tumigil sa paglalako at pinagpatuloy niya muli ang paglalakad at pagtitinda.

Mapapansin na may kabigatan din ang bitbit niyang paninda kaya di man aminin ngunit kitang kita na hirap ito sa kalagayan.

Gaya nga ng caption sa post na ito na "Rest if you must but don’t you quit," di tumigil sa paghahanapbuhay ang lalaki. Di rin niya ininda ang kalagayan niya upang di siya kumayod at siniguro niyang di siya maging pabigat lamang sa kanyang pamilya.

Dahil dito, umani siya ng papuri mula sa mga netizens na nakapanood ng video. Hinangaan nila ang lalaki sa pagiging matatag nito sa kabila ng sitwasyon at sa pagiging responsable kahit pa siya ay may kapansanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng netizens:

"Kita mo panu sya hingalin ambigat p Ng dala Sana lang wag syang mapahamak"
"Yan ang taong may prinsipyo sa buhay...marangal ang hanapbuhay khit may kapansanan..sana po may tumulong kay kuya..godbless po."
"ang dami kong reklamo sa buhay. pero kapag nakikita mo mga gantong tao. saka mo marerealize na mas mapalad kapa kasi kompleto ka., konting sakit sa katawan. suko na agad."
"Ang sakit sa puso na makakita ng ganitong klase ng tao sa kabila ng kapansanan kumakayod para sa pamilya di gaya ng ibang may normal na pangangatawan nakukuhang pumatay at manakit ng kapwa magkapera lang. God bless you kuya! Salamat sa inspirasyon na dulot mo."
"Ansaket naman nito tingnan, inspirasyon ka sana sa mga batugan at umaasa parin sa iba kahit kompleto katawan."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel