Raffy Tulfo, tinulungan ang breadwinner na dalagang biktima ng hit and run

Raffy Tulfo, tinulungan ang breadwinner na dalagang biktima ng hit and run

-Hindi nagdalawang-isip si Raffy Tulfo na tulungan ang isang dalaga na biktima ng hit and run nang humingi ito ng tulong sa kanya

-Mismong si Tulfo ang kumausap sa dalaga na napag-alamang isa palang bread winner

-Tinulungan din ng programa na magsampa ng kaso ang dalaga laban sa nakasagasa rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nawawalan na daw ng pag-asa ang dalagang si Ruthcie Flores matapos siyang mabiktima ng hit and run at nagkaroon ng seryosong injury.

Enero 7 nang dumulog ito kasama ang ina sa programang Raffy Tulfo in Action.

Dahil sa kalagayan ay mismong si Raffy Tulfo pa ang lumabas upang tignan ang lagay ng dalaga.

Agad na nagbigay ng paunang tulong si Tulfo at binigyan pa ng pamsahe ang mag-ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inihabilin din nito ang dalaga sa kanyang team upang mabigyan ng P10,000 para may panggastos ang mag-ina habang nagpapagamot ang dalaga.

Napag-alaman kasi na si Ruthcie ay isang breadwinner.

Matapos nito ay tinulungan din nito ang dalaga na ipa-opera ang injured na binti ng dalaga.

Sa tulong rin ng programa, ay nasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury ang driver na nakabundol dito na nakilalang si Glen Rescobillo.

Labis naman ang pasasalamat ng mag-ina lalo na ni Ruthcie dahil sa panibagong pag-asang ibinigay ni idol Raffy sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec Commissioner Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec Commissioner Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel