Dalagang nag-viral dahil sa tula para sa inang OFW, sinorpresa ng KMJS

Dalagang nag-viral dahil sa tula para sa inang OFW, sinorpresa ng KMJS

-Hindi inaasahan ng dalagang si Iva Jamelarin na mag-viral ang kanyang video habang binibigkas ang kanyang tula para sa inang OFW

-Maraming netizens ang naantig ang puso at tumulo ang luha sa mga salitang binitiwan ng isang anak na nangungulila

-Dahil dito, isang malaking sorpresa ang natanggap nito sa mismong araw kung saan siya ay nagtanghal sa isang entablado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral ang video ng estudyanteng si Iva Jamelarin habang binibigkas ang kanyang tula para sa isang overseas Filipino worker (OFW).

Maraming netizens ang hindi napigilang umiyak at maantig ang damdamin sa mga salitang sinambit ng dalaga.

Mararamdaman kung gaano ang pangungulila nito sa inang si Eva Jamelarin.

Gaya ng ibang kwento ng marami sa ating OFW, maagang nabuntis si Eva sa edad na 16.

At upang makatulong sa mga magulang at maitaguyod ang kanyang sariling pamilya, lumipad si Eva papuntang Singapore para mag-trabaho.

Nang matapos ang kontrata nito ay lumipad naman ito patungong Hong Kong.

Doon patuloy na nagsikap ito. Hindi naman ito nabigo sa pagpunta sa ibang bansa. Katulong ang kanyang asawa ay nakapag-pundar naman sila.

Dalawa sa kanilang mga anak ay makakatapos na sa kolehiyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil na rin sa kanilang istorya at sa viral na video ni Iva, naitampok sila sa programang Kapuso Mo Jessica Soho.

Naging daan ito upang magasama-sama ang pamilya ni Iva.

Sa araw ng kanilang recognition day ay naimbitahan si Iva na muling bigkasin ang kanyang tula para sa ina sa entablado ng kanilang paarala.

Pagkatapos nito ay hindi inaasahan ng dalaga na mayroong naghihintay na mensahe para sa kanya galing sa kanyang ina.

Ngunit ang mas nagpa-init sa eksena ay nang lumabas mula sa likod ng entablado kung nasaan si Iva ang mismong inang inaalayan ng tula.

Hindi na rin napigilan pa ng kanyang mga kapatid at ama ang umakyat at yakapin ang ilaw ng tahanan na matagal ng nagsakripisyo para sa kanilang kinabukasan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel