MRT 3, nakatanggap di umano ng bomb threat bago pa man ang twin bombing sa Jolo

MRT 3, nakatanggap di umano ng bomb threat bago pa man ang twin bombing sa Jolo

- Isiniwalat ng pamunuan ng MRT 3 na nakatanggap sila ng bomb threat bago pa man maganap ang twin bombing incident sa Jolo

- Natanggap ito sa pamamagitan ng email na agad namang pinagbigay alam sa awtoridad

- Ito rin ang dahilan kumbakit naghigpit ang MRT3 sa pagbabawal ng anumang likido sa naturang transportasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng pamunuan ng MRT3 na nakatanggap umano sila ng bomb threat bago pa man ang mga pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ayon sa GMA news, natanggap ang bomb threat sa pamamagitan ng isang email na agad nilang pinagbigay alam sa mga awtoridad.

“It was already coordinated with the authorities, PNP-CIDG (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group) for them to track down the email sender,” ayon sa pamunuan ng MRT3.

Enero 3 nila natanggap ang email na hindi naman nila isinawalang bahala. Katunayan, ito ang isa sa kanilang mga dahilan ng paghihigpit ng pagdadala ng anumang likido sa tren. Maari kasing "liquid bomb" ang gamitin ng mga nagbabantang pasabugin ang MRT.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang banta at inaalam na kung saan nagmula ang email.

Pakiusap pa ng MRT, nawa ay maintindihan sana sila ng libo ling taong gumagamit ng naturang sasakyan na ang pagbabawal ng likido ay para rin sa kanilang kaligtasan.

Ito rin ang paliwanag ni NCRPO chief Guillermo Eleazar sa Chinese woman na nanaboy ng taho sa pulis na nakatalaga sa MRT kamakailan.

Naging kontrobersyal ang insidenteng ito dahil sa bahagi ito ng paghihigpit ng tren sa mga inumin, pabango, alkohol at iba pang likido na dala ng commuter araw-araw.

Samantala, narito naman ang mga listahan ng ilag likidong maaring maipasok pa rin sa tren.

- Gatas ng bata kung ang pasahero ang may kasamang sanggol

- Inuming tubig na para lamang sa kasamang bata

- Over-the-counter na mga gamot na may reseta

- Tubig, juice, o nutrition gel na kailangan ng PWD o person with disability

- Life-support and life-sustaining liquids such as bone marrow, blood products, and transplant organs;

- Items used to augment the body and for medical and cosmetics reasons such as mastectomy products, prostheticsbreast, bras or shells containing gels, saline solution, or other liquids; and

• Gels or frozen liquids needed to cool disability or medical-related items used by persons with disabilities or medical conditions

Hinihingi ng pamunuan ng MRT3 ang malawak na pang-unawa ng kanilang mga pasahero.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel