Babae na nagpakasal sa 300-anyos na multo ng pirata, nakikipaghiwalay na

Babae na nagpakasal sa 300-anyos na multo ng pirata, nakikipaghiwalay na

-Matapos ang kanila umanong "pagsasama" ng asawa ay tutuldukan ng babaeng si Amanda Teague ang kanilang kasal

-Si Teague ay isang Irish na nagpakasal sa isang 300-anyos na multo ng isang pirata

-Kwento pa nito, taong 2014 nang magpakita umano ito sa kanya sa loob ng kanyang kwarto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinuldukan na ng Irish na babaeng si Amanda Teague ang kanyang kasal sa kanyang asawa na si Jack.

Si Jack ay isang 300-anyos na pirata na isa na umanong multo.

“So, I feel it’s time to let everyone know that my marriage is over,” ayon sa Facebook post ni Teague.

“I will explain all in due course but for now all I want to say is be VERY careful when dabbling in spirituality, it’s not something to mess with.” dagdag pa nito.

Tila hindi naging maganda ang naging paghihiwalay nila ayon sa report dahil nagbago umano ang lalaki mula sa dating nakilala nito.

“I wish I never got married to him. I wish I was that healthy person that I was before I met him,” sabi pa nito sa isang interview.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Jack has turned what was a beautiful and loving relationship to something that is ugly.”

Sabi pa ni Teague, simula daw nang maging asawa niya si Jack ay nagkaroon siya ng health issues at inuubos umano nito ang kanyang lakas.

Pinag-iisipan na rin umano niya ang magsagawa ng exorcism.

Taong 2014 nang magpakita umano si Jack kay Teague. Ngunit sinabi niya pa raw sa multo na hindi siya komportable sa kaswal na pakikipag-talik lamang.

Sinabi niya raw dito na nais niya na magkaroon sila ng relasyon at naghangad ng isang kasal na, halata namang sinang-ayunan ng multo.

Ayon sa report ng Little Things, mayroong limang anak si Teague.

Babae na nagpakasal sa 300-anyos na multo ng pirata, nakikipaghiwalay na

Photo source: Little Things
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nagulantang sa mga rebelasyon ni Ogie Diaz tungkol kay Julia Montes

Netizens, nagulantang sa mga rebelasyon ni Ogie Diaz tungkol kay Julia Montes

Netizens, nagulantang sa mga rebelasyon ni Ogie Diaz tungkol kay Julia Montes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel