Kylie Versoza at Jake Cuenca, lumikha ng maraming ispekulasyon sa social media

Kylie Versoza at Jake Cuenca, lumikha ng maraming ispekulasyon sa social media

- Kylie Versoza at Jake Cuenca, lumikha ng ingay sa social media dahil sa mga posts ng huli

- Isang screenshot ang ibinahagi online mula sa video story ng aktor na tila twinning sila ni Kylie ng sapatos

- Nagpost rin si Jake ng isang cute at cozy picture nila ni Kylie at nilagyan ng nakakaintrigang caption

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang mga posts ng Kapamilya aktor na si Jake Cuenca sa kanyang social media account, kung saan makikita na kasama niya si Miss International 2016-turned-actress Kylie Versoza.

Unang nagpost si Jake ng larawan nila ni Kylie na tila napaka-close at sweet nila sa isa't isa, na ani pa nga ng ibang netizens mukhang isang cute couple photo op daw at may caption pa na "Monchichis."

Ang "Monchichi" ay isa raw Japanese stuffed animal monkeys, na inuugnay bilang "Love Monkeys."

At ang salitang "Mon" dito ay hango raw sa French word na ang ibig sabihin ay "Mine."

Bukod dito, nagbahagi naman ang Fashion Pulis ng isang screenshot ng Instagram video story ni Jake kung saan makikita ang dalawang magkaparehang sapatos at tinag niya dito si Kylie.

Kaya naman bumuhos ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa diumano'y tila namumuong pag-iibigan ng dalawa.

"I smell love all over!"
"Obviously sila na"
"The picture says it all"
Kylie Versoza at Jake Cuenca, lumikha ng maraming ispekulasyon sa social media

Source: Fashion Pulis/Instagram/Juan Carlos Cuenca
Source: Instagram

Magkasama sina Kylie Versoza at Jake Cuenca sa ABS-CBN teleserye na Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos.

Si Kylie ang gumaganap na love interest ni Jake sa naturang serye.

POPULAR: Read more news about Jake Cuenca here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel