2 taong gulang na bata, patay diumano sa bugbog ng amaing di siya mapatigil sa pag-iyak

2 taong gulang na bata, patay diumano sa bugbog ng amaing di siya mapatigil sa pag-iyak

- Walang awang sinaktan ng ama-amahan na si Hari Kurniawan ng Depok, Indonesia ang kanyang stepdaughter dahil lamang daw sa labis nitong pag-iiyak

- Isang saksi ang nakakita sa insidente na agad namang nagsumbong sa ina ng kawawang bata

- Dinala agad sa ospital ang bata at inaresto naman ang ama-amahan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang dalawang taong gulang na batang babae sa Depok, Indonesia ang walang awang pinagbubugbog ng kanyang amain dahil sa di raw niya mapatahan ito.

Ayon sa Inquirer.net, ang 54 anyos na kapitbahay ang mismong nakasaksi sa pananakit ng amain sa bata.

Ito rin mismo ang nagsumbong sa pulisya at nagsabi sa ina ng bata na noon ay nasa trabaho pa.

Di katagalan mula nang mangyari ang insidente, dumating ang 18 taong gulang na ina ng bata na labis na kinagulat ang pangyayari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dali-daling hinanap ng ina na nakilalang si Eni ang anak at doon natagpuan niya itong wala nang buhay.

Sinamahan ng saksi na nakilala namang si Latifah ang ina ng sanggol sa pulisya upang isalaysay ang kanyang nakita.

Nadala pa rin naman ang sanggol sa ospital upang masuri ang pinag-ugatan ng pagkamatay nito.

Samantala, ang suspek namang si Hari Kurniawan ay agad na naaresto. Kakasuhan ito ng murder at kung mapaptunayan itong guilty, mabibilanggo ito ng hanggang 20 taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel