Newborn baby na for sale online, nasagip mula sa "seller"

Newborn baby na for sale online, nasagip mula sa "seller"

-Agad na inaresto ang isang 15-anyos na babae matapos itong maaktuhan na ibinebenta ang isang sanggol

-Arestado maging ang mga kasabwat nito na nagpakilala pang mga magulang ng sanggol

-Inaalam pa ng mga awtoridad kung gaano kalaki ang grupo nito lalo pa at mukhang marami nang naibenta sa ang suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang entrapment operation na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Sabado, huli sa akto ang isang babae sa aktong pagbebenta ng isang bagong silang na sanggol.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, ibinebenta ng suspek na nakilala sa alyas na 'Joana' ang sanggol online sa halagang P40,000.

Kasamang naaresto ang kinakasama nito at mga kasabwat nito na nagpakilala pang mga magulang ng sanggol.

Napag-alaman din na menor de edad pa lamang si alyas Joana.

Sa imbestigasyon, hinihinalang marami nang naibentang sanggol ang suspek.

"Iniimbestigahan natin ngayon kung gaano kalaki itong grupo, gaano na katagal nilang ginagawa ito at ilang bata na ang posible nilang naibenta," pahayag ni NBI interpol chief Ronald Aguto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Baka kasama sila sa grupo na kumukuha ng mga nababalitang nawawalang mga bata sa hospitals natin," dagdag pa ni Aguto.

Ngunit mariing itinanggi ito ni Joana at sinabing nais lamang niyang tulungan ang mga taong gustong mag-ampon.

Habang ang mga nagpakilala naman na magulang ng sanggol ay sinabing nag-desisyon silang ipa-ampon ang bata upang mapabuti umano ito.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 in relation to Cybercrime Prevention Act ang apat na nahuli.

Nagbabala naman ang NBI, hindi lamang ang mga nagbebenta ng sanggol ang makakasuhan ngunit maging ang mga nag-ampon na hindi dumaan sa legal na paraan.

"Iyung mga tumatanggap ng mga bata ay mas mapaparusahan din... Gayundin ang parusa para doon sa mga bumibili at tumatanggap ng mga bata," paliwanag ni Aguto.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel