Krista Ranillo, hindi nakalusot sa policy ng supermarket na pagmamay-ari ng asawa

Krista Ranillo, hindi nakalusot sa policy ng supermarket na pagmamay-ari ng asawa

- Ibinahagi ng dating aktres na si Krista Ranillo ang kanyang karanasan sa pagbili sa supermarket na pag-aari ng kanyang asawa

- Tinangka niyang bumili ng tatlong sakong bigas ngunit hindi siya nagtagumpay

- Ito ay dahil sa policy na ipinatupad ng kanilang supermarket at ibinilin umano ng kanyang asawa na kahit ang kaibigan at pamilya ay dapat sumunod

- Hanggang dalawang sako lamang ang maaring ibenta sa isang costumer sa gitna ng nararanansang rice shortage

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dating aktres na si Krista Ranillo ang kanyang karanasan sa pagbili sa supermarket na pag-aari ng sariling asawa. Sa gitna ng banta ng COVID-19, apektado na rin ang mga tao sa ibang bansa partikular sa Amerika kung saan nakatira si Krista at ang pamilya nito.

Pag-aari ng negosyanteng si Niño Lim ang Island Pacific, isang sikat na Filipino supermarket sa North America. Si Niño ay asawa ni Krista.

Dahil sa nararanasang rice shortage, minabuti ng pamunuan na kontrolin ang pagbebenta ng bigas.

Hindi nakaligtas si Krista sa polisiya na ipinatutupad ng kanyang asawa tungkol sa pagbili ng bigas sa supermarket nila dahil hindi siya nakatanggap ng special treatment.

Sinubukan niya umanong bumili ng tatlong sakong bigas sa store manager na si Anne. Gayunpaman, humingi ito ng paumanhin sa dating aktres at nagsabing bilin ng kanyang asawa na hanggang dalawang sako lamang ng 25 lbs na bigas ang maaring ibenta sa kada customer. Dagdag pa nito, mahigpit na ipinagbilin nito na kahit ang kanyang mga kaibigan at pamilya ay hindi exempted sa nasabing policy.

Binati niya ang store manager sa panindigan nitong ipatupad ang policy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naunang ulat ng KAMI, isinilang ni Krista ang ikalimang anak nila Niño noong nakaraang taon.

Ikinasal sina Krista at Niño sa California noong August 2010. Biniyayaan ng limang anak ang kanilang pagsasama. Si Krista ay anak ng batikang aktor na si Matt Ranillo.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel