Nurse, humihingi ng tulong para sa kapwa niyang tinamaan ng malubhang sakit

Nurse, humihingi ng tulong para sa kapwa niyang tinamaan ng malubhang sakit

- Humihingi ng tulong ang kaibigan ng isang nurse na tinamaan ng malubhang karamdaman

- Tininingnan ang anggulo ng labis na pagtatrabaho nito at napabayaan ng masipag na nurse ang kanyang sarili

- Awang awa ang kaibigan sa kapwa nurse sa sinapit nito lalo pa at ito na lang sana ang makatutulong sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng saloobin ang netizen na si Lalaine Joy Reontoy Ingalla Reyes tungkol sa dinaranas ng kanyang matalik na kaibigan na isa ring nurse.

Tinamaan kasi ito ng malubhang sakit na sa huling pagsusuri ng doktor, meningitis/encephalitis daw ito. Di na raw kasi ito nasundan pa ng pagpapakonsulta dahil sa naubos na ang pera ng pamilya ng nurse.

Ito raw ang bagay na masaklap para sa kanilang mga nurse. Sila ang nag-aalalaga sa may mga karamdaman ngunit, pag sila ang nagkasakit, walang kasiguraduhan na sila naman ay maalagaan.

Subsob daw sa trabaho ang kaibigan ni Lalaine. Masipag, matiyaga at dedikado raw talaga ito sa kanyang propesyon.

Katunayan, noong panahon na nagsisimula na itong magkasakit, nagawa pa rin nitong pumasok kahit halos kalalabas lamang nito sa pagkaka-ospital.

Ang masakit lamang sa nangyari, dahil nga sa madalas siyang lumiliban dahil sa karamdaman, pinag-force resignation na siya ng pinagtatrabahuhan na ospital.

Sana raw ay binigyan ng konsiderasyon ang kanyang kaibigan at hindi resignation agad ang pinagawa rito.

Ayon pa kay Lalaine, sila mismong nurses ay walang discount sa ospital na sanang kaagapay nila kung sila naman ang nagkakasakit.

Galing din kasi sa mahirap na pamilya ang kanyang kaibigan at ito na nga lang sana ang inaasahan nilang makakatulong sa pamilya ngunit ganito pa ang nangyari.

Kaya naman humingi na rin ng tulong si Laline para sa kaibigan at kumakatok sa may mga mabubuting puso.

Samantala, umani ng iba´t ibang saloobin ang post na ito mula sa mga netizens at sana nga raw ay marinig ang panawagan ni Laline patungkol sa mga kalagayan ng nurses na nagkakasakit.

Narito ang ilan sa kanilang mga pananaw:

"Sana nga nman mapansin ng ating goberno ang mga nurses...kawawa nman sila kkaunti lng ang kanilang sahod"
"God will heal you po.. hindi niyo deserve ang ganito o kahit sino. Keep fighting po and will pray for your fast recovery"
"Dapat mabasa ito ni Sen. Cynthia Villar na minamaliit ang nurse sa ibang bansa"
"anu hospital po to??? napakawalang mga puso."
"Sa DOLE for maltreatment sa employee,then dapat tutulong ang PNA s ganitong sitwasyon!"
"I was also a Nurse.Been sick for 4 years and lumpo for 2 years.I thank God for his graciousness.Pero napakahirap talaga lalo napag you know you worked hard as a Nurse,tapos ikaw di maalagaan pag ikaw na ung may sakit.."
" Humingi kayo ng tulong sa kay sir tulfo ang laki ng gastos sa pag aral ng nursing tapos ang hirap ng trabaho nila tapos liit pa ng sahod wawa na sila mga nurses sa pilipinas si president Duterte focus lang sa mga military.ang teachers at mga nurses di pina halagahan"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel