Para sa mga bitter sa Valentine's! Ipis pwede nang ipangalan sa ex sa UK

Para sa mga bitter sa Valentine's! Ipis pwede nang ipangalan sa ex sa UK

-Isang kakaibang paraan ang inilunsad ng isang conservation center sa UK para makaganti ang mga taong sawi sa pag-ibig

-Ito ay sa pamamagitan ng pagpapangalan ng isang ipis sa taong nanakit sa damdamin ng kanilang mga kustomer

-Siniguro naman ng center na confidential ang mga impormasyon tungkol sa kanilang parokyano upang maiwasan ang anumang gulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw na lamang ang natitira bago sumapit ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. paniguradong maraming mag-sing-irog ang excited na para rito.

Pero ibang usapan naman para sa mga taong sawi at bigo sa pag-ibig!

Marahil dahil dito, kaya naisipan ng isang conservation center sa United Kingdom ang isang kakaibang paraan ng pagganti para sa mga bitter sa pag-ibig.

Sa ilalim ng programang "name a cockroach", na inilunsad ng Hemsley Conservation Center, maaring ipangalan ng kanilang kustomer ang isang ipis sa dati nitong nobyo o nobya!

"Now, for those that don’t quite require revenge, there’s another way to make you feel better about getting back at your ex this Valentine’s Day.

The HCC is offering the chance to name a cockroach in honor of your, or your friend's worthless ex-“someone” on this special holiday of love." ayon sa Facebook post nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito ay nagkakahalaga ng £1.50 o P102 at bibigyan ng sertipiko.

Ngunit hindi naman isasama dito ang panagalan upang maiwasan ang anumang klase ng gulo.

"We don't want to fuel a fire, so this is a keepsake for you or your friend,"

Pagkatapos nito ay ilalagay sa "roach board" ang mga pangalan at ia-upload ito sa ika-14 ng Pebrero.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, mapupunta ang nalikom na pera sa programa sa iba pang mga proyekto ng nabanggit na conservation center.

Kaugnay nito, isang lalaking Japanese ang umamin na nagkaroon siya ng nobyang ipis na una nang naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel