133 foreigners, banned sa Pinas dahil sa pagiging bastos at walang galang

133 foreigners, banned sa Pinas dahil sa pagiging bastos at walang galang

-Ayon sa Bureau of Immigration, 133 dayuhan ang banned sa Pilipinas noong 2018

-Nanguna rito ang mga Chinese na sinundan ng mga Amerikano at Korean

-Ipinaliwanag ng ahensiya na bagamat pinananatili nila ang maximum tolerance, hindi naman nila kinukunsinti ang mga bastos at walang galang na dayuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa report ng Bureau of Immigration, 133 na ang bilang ng mga banned na dayuhan sa pagpasok sa Pilipinas noong 2018.

Nanguna rito ang mga Chinese Nationals na may bilang na 37. sinundan ng mga Amerikano na may bilang na 25 at mga Korean na may bilang na 23 ayon sa report ng ABS-CBN News.

"They were also placed in our immigration blacklist of undesirable aliens, thus they are banned from re-entering the country," ayon kay Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina.

Mas mataas ito kumpara sa 129 na nailistang "rude and disrespectful foreigners" noong 2017.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinaliwanag din ni Medina sa mga dayuhan na ang kanilang entry at pananatili sa bansa ay isang pribelehiyo at hindi karapatan.

"While we have been instructed to observe maximum tolerance, arrogant and discourteous foreigners are sent back and blacklisted," ayon naman kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval.

Dagdag pa nito, hindi nila palalagpasin ang mga dayuhang magpapamalas ng pagiging bastos at kawalang-galang.

Kaugnay nito, isang babaeng Chinese National ang inaresto matapos sabuyan ng taho ang isang pulis na nanita sa kanya sa Boni Avenue, MRT Station na una nang naibalita ng KAMI.

Agad nag-viral ang tagpong ito na labis na ikina-galit ng mga netizens.

133 foreigners, banned sa Pinas dahil sa pagiging bastos at walang galang

Photo source: Manila Bulletin / Photo for illustration only
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel