Raffy Tulfo, hinatid ang OFW na pinauwi ng amo na walang kapera-pera

Raffy Tulfo, hinatid ang OFW na pinauwi ng amo na walang kapera-pera

- Hindi pinabayaan ni Raffy Tulfo ang isang OFW na humingi ng tulong sa kanya

- Si Ajelou Masayao ay napauwi ng kanyang amo na walang kapera-pera

- Bukod sa pagsagot sa pamasahe ay inihatid pa siya ni Raffy Tulfo sa Davao Oriental at pinamili ng pangpapasalubong sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagdalawang isip na dayuhin ni Raffy Tulfo ang Sitio Mapula, Brgy. Cabuaya, Mati, Davao Oriental upang ihatid ang isa nating kababayan na OFW. Si Ajelou Masayao ay isang OFW sa Dammam, Saudi Arabia na humingi ng tulong upang makauwi siya.

Pinauwi siya ng kanyang amo at wala siyang naiuwing pera maging pamasahe pabalik ng probinsya. Malaking bagay ang naging tulong ni Raffy Tulfo sa single mom. Bukod kasi sa pagsagot ng kanyang pamasahe, pinamili pa ng pasalubong na damit, sapatos, cellphone at school supplies si Ajelou para sa kanyang anak na graduating sa elementary.

Binigyan din ni Idol Raffy ng puhunan ng pangkabuhayan si Ajelou para ‘di na ito bumalik pa ng abroad at makasama na niya palagi ang kanyang anak.

Umani ito ng papuri at pasasalamat mula sa mga netizens. Si Raffy Tulfo ang tinuturing na tagapagtanggol ng mga naapi at kababaihan ayon na rin sa ilang netizens.

Narito ang mga litratong kuha sa pag-uwi ni Ajelou.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Raffy Tulfo ay isang broadcast journalist na kilala sa kanyang pagtulong sa mga taong dumudulog sa kanyang programa. Kahit mga OFW na nangangailangan ng tulong ay siya din ang naging takbuhan.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, isang mister ang napahagulgol pang humingi ng tulong kay idol Raffy dahil sa asawa niya diumanong may kalaguyo.

POPULAR: Read more about Raffy Tulfo here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel