3 bata sa Davao Oriental patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay

3 bata sa Davao Oriental patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay

-Hindi na nakaligtas pa ang tatlong bata matapos silang ma-trap sa isang nasusunog na bahay sa Davao Oriental

-Ayon sa report, iniwan lamang sila ng kanilang ina nang umalis ito

-Babalikan pa sana ang mga ito ng kanilang lolo ngunit hindi na ito pinayagan pa ng mga awtoridad dahil sa malaking apoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasamang natupok ng isang bahay ang tatlong bata sa sunog sa Mati, Davao Oriental nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, mabilis na kumalat ang apoy kaya naman hindi na nagawa pang iligtas ang mga biktima na edad 3, 8 at 10.

Tinangka pa umanong iligtas ng kanilang lolo ang mga bata ngunit hindi na ito pinayagan pa ng mga bombero.

“'Yung mga apo niya iniwan ng nanay nila. Iniwan sa manugang. 'Yung matutulog na sila, 'yung tatlong ‘yun po ay nasa tabi ng bahay kaharap ng bahay ng lola. Nung nagkasunog hindi maiiwasan na-rattle ng konti," ayon kay Fire Marshal Senior Insp. Christian Cena.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nailabas ng lola 'yung kasama niya sa loob ng bahay, dalawang apo ‘yun. Nag-attempt pa siya bumalik para mailigtas 'yung tatlong naiwan sa kabilang bahay. Hindi na kami pumayag kasi malakas na 'yung apoy,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa report, sa bahay ng isang Intoy Culaba nagsimula ang sunog na may kinalaman sa sabit-sabit na kable ng kuryente.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel