Chinese woman na nagsaboy ng taho sa isang pulis, 'di pinalagpas ni Eleazar

Chinese woman na nagsaboy ng taho sa isang pulis, 'di pinalagpas ni Eleazar

-Viral ngayon sa bansa ang isang Chinese woman matapos nitong bastusin ang isa nating pulis na ginagawa lamang ang kanyang trabaho

-Sinabuyan ng dala-dala nitong taho ang pulis nang harangin ito sa MRT, dahil dito arestado ang babaeng dayuhan

-Hindi naman ito pinalagpas ni NCRPO Chief Eleazar at pinangaralan pa ang naarestong dayuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nga pinalagpas ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang ginawang pangba-bastos ng isang Chinese woman sa isa nating pulis.

Pinuntahan nito mismo ang naarestong dayuhan sa Police Community Precinct 5 kung saan ito dinala matapos nitong sabuyan ng taho ang isang pulis na kinilalang si Police Officer 1 William Cristobal na una nang naibalita ng KAMI.

Sa presinto, hindi nga napigilan ni Eleazar ang pangaralan ang dayuhan na kinilalang si Jialz Zhang, 42-anyos na Chinese National.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Makikita sa video na un-upload ng Philippine Star ang pag-kompronta nito sa naarestong dayuhan.

“Do you know that we are just implementing this kind of policies for your protection?” ani Eleazar.

Tinanong ito ni Eleazar kung kailan pa ito sa Pilipinas at kung nabalitaan nito ang mga insidente ng pangbo-bomba sa bansa na ugat ng pagiging mas mahigpit ng kapulisan.

Ngunit bukod sa pag-hingi ng sorry ay hindi na ito sumagot pa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel