79 anyos na lola, naghahanapbuhay parin para sa anak niyang paralisado

79 anyos na lola, naghahanapbuhay parin para sa anak niyang paralisado

- Nagagawa pa ring maghanapbuhay ni lola Elena dahil sa wala silang kakainin ng kanyang anak na paralisado na ang kalahating katawan

- Nagkakalad pa di umano ito ng malayo upang mangalap ng dahon ng niyog na gagawing walis tingting

- Bukod sa kanyang edad, may katarata na raw ang mata ni lola Elena kaya malabo na ang kanyang paningin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog talaga ng puso ang kalagayan ng 79 anyos na matanda na nagagawa pa ring maghanapbuhay.

Binahagi ng Facebook page na Raffy Tulfo supporters ang nakuha nilang video sa panayam kay lola Elena habang nagtatabas ito ng tuyong dahon upang gawing walis tingting.

Kinakailangan ng matanda na magtrabaho dahil ang anak niyang kasama sa bahay ay paralisado na ang kalahating katawan at hirap na ring magsalita kaya di na makapaghanapbuhay

Ang paggawa ng walis tingting ang pinagkukunan ni lola Elena ng pangkain nila ng kanyang anak. Minsan, ₱60 lang ang kanyang kinikita na pagkakasyahin niya sa maghapon.

Di na raw nga sila nakakakain ng isda, kanin at gulay lang ang kayang bilhin ng kanyang kinikita.

Narito ang link ng naturang video: https://www.facebook.com/RaffyTulfoSupporters/videos/1035897666619194/

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa kanyang edad, kitang hirap na ang matanda. Dumagdag pa ang pagkakaroon niya ng katarata kaya malabo na ang kanyang paningin.

Mayroon siyang dalawa pang anak ngunit madalang itong dumalaw at minsanan lang di umano ang pag-aabot sa kanya ng pera.

Bagaman at hirap magsalita, nakakausap pa naman ang paralisado niyang anak. Nakakikilos pa rin ito kahit paano ngunit isang kamay lang nakagagalaw. Kaya nakakapaglinis pa ito kahit paano ng kanilang bahay.

Hirap ang kalagayan ng mag-ina kaya naman nagmalasakit ang uploader na si Val Santos Matubang na ibahagi ang kalagayan ng mag-ina upang ihingi ng tulong mula sa may mabubuting kalooban.

Sana raw ay matulungan sina lola Elena upang maibsan ang hirap nito sa paghahanapbuhay, lalo pa na sa edad niya sana, hindi na siya dapat kumayod pa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel