Gladys Reyes, nag-viral ang pagsampal sa isang fan

Gladys Reyes, nag-viral ang pagsampal sa isang fan

- Usap-usapan kamakailan lang ang isang viral video ng Kapuso actress na si Gladys Reyes

- Makikita sa video na siya ay nilapitan ng isang fan dahil iniidolo raw ito ng kanyang nanay

- Labis naman na ikinagulat ni Gladys ang request ng fan na ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Bumisita kamakailan lang sa De La Salle University sa Taft Avenue ang Kapuso star na si Gladys Reyes dahil sa kanyang acting workshop na "Moment Ko 'To."

Nag-viral naman ang kanyang pagbisita sa nasabing unibersidad dahil sa pagsampal niya sa isang estudyante sa isang video.

Nalaman ng KAMI na isang SHS student na si Alex Martinez ang lumapit kay Gladys para humingi ng request, "Ano po so idol ka po ng nanay ko 'no, hi po! Pwede pong pasampal?"

Nagulat naman ang aktres sa nasabing request at sinabi pa nito na baka raw magalit ang nanay ni Alex, gayon pa man ay tinupad ni Gladys ang kanyang request.

Labis namang natawa si Alex kasama ang kanyang mga kaibigan matapos tuparin ni Gladys ang kanyang kakaibang request.

Maririnig din sa video ang patawang sabi ng isa sa mga estudyante kay Gladys, "Ako rin po, gusto ko rin po masampal."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nagbahagi ng ilang mga larawan ang Kapuso actress na si Gladys Reyes sa kanilang journey bilang magsing-irog ng mister niya na si Christopher Roxas. Ipinadiwang nila ang kanilang 26 years bilang couple noong January 23.

Si Gladys Reyes-Sommereux ay isang Filipina actress sa GMA. Siya ay unang nakilala sa Mara Clara na kanya namang ikinasikat. Ikinasal sila ni Christopher Roxas noong 2004 at ngayon ay may 4 na anak na.

POPULAR: Read more entertainment news

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features the students of Polytechnic University as they are given sets of tricky questions that they have to answer! This video is very funny and entertaining! Check out our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel