Beki, nag-propose sa partner niyang tomboy sa Eat Bulaga; mga host, naluha

Beki, nag-propose sa partner niyang tomboy sa Eat Bulaga; mga host, naluha

- Viral ngayon ang naging instant engagement ng mga contestants ng Eat Bulaga sa Boom! na sina Karla at Emman

- Laking gulat ng hosts at mga audience nang magpropose si Karla na isang beki sa partner niyang si Emman, isang tomboy, na anim na linggo na palang buntis

- Maging si Bossing Vic Sotto ay naluha sa tindi ng emosyon sa studio na dala ng magkasintahang LGBTQ na ngayon ay engaged na

Agaw eksena ang nakakaantig na marriage proposal ng mga contestants ng Eat Bulaga.

Sa bahagi ng programang Boom!, kinuwento ng contestants na sina Karla, isang bek at Emman, isang tomboy, ang naiiba nilang love story.

Nalaman ng KAMI na wala raw ligawan na naganap sa kanila. Ngunit ang kahanga-hanga rito ay tumagal ang relasyon nila sa loob ng limang taon.

Habang nagbibigay ng mensahe si Karla kay Emman, laking gulat ng mga tao sa studio nang may dinukot si Karla sa bulsa. Iyon pala ay magpo-propose na pala ito kay Emman.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinawag pa nito si Emman sa tunay niyang pangalan na "Mary Ann" upang maramdaman nito na talagang totoo sa kanyang puso ang tanong na "Will you marry me" bilang si Emman pa rin ang babae sa kanilang relasyon.

Maging si bossing Vic Sotto ay naluha sa tindi ng pagmamahalan ng LGBT couple.

Ang mas nakakagulat pa, anim na linggong buntis na pala si Emman kaya naman mas lalong hinangaan ang dalawa sa naiiba nilang relasyon.

Sa loob lamang ng apat na oras mula nang ibahagi ito ng Eat Bulaga, pumalo na agad ito sa 200k views.

Patunay lamang daw ito na ang totoong pagmamahaanl ay walang pinipiling kasarian.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng Buddhist master na nasuka matapos ang 4 na minuto pag-ikot, nag-viral

Video ng Buddhist master na nasuka matapos ang 4 na minuto pag-ikot sa pagbabasbas, nag-viral

Video ng Buddhist master na nasuka matapos ang 4 na minuto pag-ikot sa pagbabasbas, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel