Motoristang nakipagtalo sa humuli sa kanyang enforcer, na-bash ng netizens sa maling katwiran

Motoristang nakipagtalo sa humuli sa kanyang enforcer, na-bash ng netizens sa maling katwiran

- Viral ngayon ang video ng isang motorista na nakipagtalo at binangayan pa ang enforcer na nanghuli sa kanya

- Wala raw siyang nilalabag na batas trapiko at sa tingin niya'y nahuli siya dahil sa maganda lamang daw ang kanyang motor

- Sa huli, umalma pa ito nang makitang isa sa violation niya ay ang di pagsusuot ng sapatos kahit pa siya na mismo ang nagsabing "sandals" ang kanyang suot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na sa mahigit 1 million views ang video ng motoristang hinuli ng TMO o transportation management office dahil umano sa pag-alma nito sa enforcer.

Sa video na orihinal na binahagi ni Jerome L.J., makikitang nagtatatalak na umano ang hinuli at na-tiketan na motorista.

Mariing sinasabi niyang wala siyang nilabag na batas trapiko habang ang TMO ay patuloy ang pagsulat sa tiket at sinabing tingnan na lamang ito pagkatapos.

Lalong tumaas pa ang boses ng motoristang nagsabi na baka naman kaya lamang daw siya hinuli ay dahil maganda ang motor niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di nakipag-argumento ang enforcer na tipid lamang ang mga sagot at di sumasabat sa motorista.

Pagkakita ng motorista sa tiket, napag-alaman niyang ang violation pala na nagawa ay ang di pagsusuot ng sapatos.

Siya na rin mismo ang nagsabing "sandals" ang kanyang suot at hindi ito sapatos.

Dahil dito, imbis na maki-simpatya ay na-bash pa ang motorista ng mga netizens dahil daw sa di umano'y pagyayabang na nito sa enforcer.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakita namin yung origal post sa ibang group. Ayaw namin syang ipakita dito. Alam namin maraming Magagalit sakanya"
"Hiyang hiya ko naman sa motor mo, ako nga di kagandahan motor ko pero di ako para pag tripan ng traffic enforcers, dahil unang una maalam kami sumunod at rumespeto sa batas."
"not wearing shoes? ako bay loko2x, OO!!! kelan pa naging sapatos ang sandal na may medyas"
"Bili n kayo ng shoes, bagong model.. habang ngbabasa ng comments."
"kailan pa naging shoes ang Sandals! ibalik sa seminar yan kupal na yan!!!"
"kung pagandahan lang ng motor ang basehan bka araw araw akong mahuli hambog sagasaan ko motor mo bobo hindi shoes ang sandals kaya sandals eh kasi hindi shoes"
"ingay mo kailan naging allowed ang sandal sa pagmomotor, bawal yan, at kahit nasaang lane ka pa gitna or gilid pwedi kang parahin lalo nat may violation, maganda lang motor mo pero bobo ka naman."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel