PBB housemate Yamyam, napukaw ang puso ng netizens sa video niyang 11M views na

PBB housemate Yamyam, napukaw ang puso ng netizens sa video niyang 11M views na

- Halo-halong emosyon ang mararamdaman kung papanoorin ang audition video ng PBB housemate na si Yamyam

- Bago pa man ito pumasok sa bahay ni Kuya, likas na masayahin na pala si Yamyam sa kabila ng mga pinagdadaanan niya sa buhay

-Tunay na nakaka-inspire talaga ang buhay ni Yamyam kaya naman pumalo na sa 11 million views ang audition video niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 11 million views ang nakakatuwa ngunit nakaka-inspire na audition video ni William Gucong o mas kilala bilang si "Yamyam."

Isa si "Yamyam" sa nagbibigay saya sa atin gabi-gabi sa Pinoy Big Brother otso adult. Binansagan siyang “Iskulit Bai from Bohol” at litaw na litaw talaga ang pagiging komikero niya.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti ay may nakatago ring mga pinagdadaanan sa buhay na umantig din sa mga puso ng netizens. Upang magbigay daan sa gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid, napilitan siyang huminto sa eskwela upang magtrabaho.

At ngayon, kahit na siya ay 24 taong gulang na, di niya ikinahihiyang sabihin na nasa Senior high school pa lamang siya. Para kasi sa kanya, di hadlang ang edad sa pag-aaral. Ito raw ang pangaral sa kanya ng kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa hangarin nitong matulungan ang kanyang pamilya, pinasok din niya ang PBB upang maging ganap na artista. Di malayong mangyari iyon sa pinakikita niyang natural na talento sa pagiging komedyante sa loob ng bahay ni kuya.

Sa ngayon, isa si Yamyam sa mga inaabang-abangan sa Pinoy Big Brother dahil para sa karamihan, huwaran si Yamyam ng pagiging isang tunay na Pilipino na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, Lagi pa rin itong nakatawa at nagbibigay pa ng saya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Chariz Solomon airs ‘positive’ effect of Ogie Alcasid’s decision to leave Bubble Gang

Chariz Solomon airs ‘positive’ effect of Ogie Alcasid’s decision to leave Bubble Gang

Chariz Solomon airs ‘positive’ effect of Ogie Alcasid’s decision to leave Bubble Gang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel