Lasing na pulis, tinapon di umano ang mga paninda ng batang naglalako

Lasing na pulis, tinapon di umano ang mga paninda ng batang naglalako

- Viral ngayon ang larawan ng batang nagpupulot ng ilan niyang paninda na tinapon di umano ng lasing na pulis

- Sinita raw ang bata at bawal magtinda sa tabi ng daan ngunit depensa ng netizens, di naman ito sidewalk vendor dahil nag-iikot ang bata sa pagtitinda

- Maraming nagngingit sa galit na mga netizens at sana raw ay matulungan ang bata na naghahanapbihay ng marangal at di gumagawa ng masama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaawa-awang bata ang nawalan ng paninda dahil daw sa pagtatapon di umano ng pulis na lasing na sumita sa kanya.

Ayon sa Pinoy trending Feed, pinagbawalan daw ng di pa nakikilalang pulis ang batang naglalako dahil daw sa nasa-sidewalk ito. Walang ano-ano'y tinapon ng pulis ang mga paninda ng bata.

Sa caption ng post, sinabing nag-iikot upang maglako ang bata at di ito nakasasagabal sa daan.

Makikita sa mga larawan na walang nagawa ang walang laban na bata kundi ang pulitin ang ilan sa mga paninda niya na nagkalat na sa gitana ng kalsada.

Maging ang mga netizens ay nadurog ang puso para sa bata dahil sa maayos itong naghahanapbuhay ngunit ganito pa ang sinapit.

Sakali man daw na talagang nagkamali ang bata, sana naman daw ay di tinapon ng lasing na pulis ang mga paninda nito. Sana rin daw ay matulungan ang bata na marahil kaya nagtatrabaho ay upang maitawid ang pang-araw- araw ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana po bigyan natin ng pagkakataong mghanap buhay ang kapwa ntin bsta marangal kysa nman po gumawa ng masama,,"
"mga wlang awa s mahirap.. to dpat mga inillibing ng buhay..wlang mga kunsiderasyon sbhin png nagawi yung tao s bawal n lugar bka gusto lng mkabenta tpuz ganyan gagawin s paninda wawasakin.. panu kung inutang lng puhunan nyan...asan nba hustisya s mga ganitong sitwasyon ng maliliit na tao... nkkasikip ng dibdib bashin.. ganito n ba mga my katungkulan ngayun wlang konsedirasyon s kapwa..."
"Kawawa pero wala man lang tumulong mamulot ng mga gamit. May kumuha lang ng video..."
"Inangkat lng yata ng bata yang paninda nya ,siya p ngayon magpapaluwal ng nilalako nya,,kawawa nman,"
"Grave nman nka kawawa nman Yung po pulis wlang isip yn sna sa ginawa MO yn. Balang araw magsisi ka mamang pulis hnd kna naawa"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel