Ina ng 2-anyos na may leukemia, nakiusap sa publiko para iligtas ang kanyang anak

Ina ng 2-anyos na may leukemia, nakiusap sa publiko para iligtas ang kanyang anak

-Nakiusap ang isang ina mula sa mga kapwa magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas

-Ito ay dahil sa takot niya para sa sariling anak na may leukemia na posibleng mahawa ng mga virus

-Kasunod ito ng pagkakaroon ng tigdas outbreak sa ilang lugar sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nakiusap sa publiko ang ginang na si Kat del Rosario-Cruz, partikular na sa mga magulang.

Ibinahagi nito ang paghihirap na dinaranas ng kanilang pamilya dahil sa sakit na leukemia.

Sa isang interview dito ng Smart Parenting, sinabi ni Kat na noong nakaraang taon na-diagnose na may leukemia o cancer sa dugo ang kaniyang 2-anyos na anak.

Sa kanyang post, ibinahagi niya na kahit na napakahirap ng kanilang sitwasyon ay patuloy silang lumalaban para sa buhay ng kanilang anghel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang mapabalita ang outbreak ng tigdas sa bansa ay labis siyang nag-alala para sa anak na madaling mahawa ng mga sakit dahil sa kondisyon nito.

Kaya naman ito nag-post sa social media ng pakiusap sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak lalo pa at mabilis na kumakalat ang virus dahil sa hangin.

Kasunod ito ng balitang maraming magulang ang takot na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa dengvaxia scandal na marami na umano ang nasawi.

Dahil dito, dumami ang batang nagkaroon ng tigdas at may mga nasawi na rin na umabot na sa 55 ayon sa huling impormasyon ng Department of Health (DOH) na una nang naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel