Saab Magalona at mister, may espesyal na handog para sa namayapang anak na si Luna

Saab Magalona at mister, may espesyal na handog para sa namayapang anak na si Luna

- Saab Magalona at mister, may espesyal na regalo para sa kanilang namayapang anak na si Luna

- Si Luna ay ang kakambal ng kanilang anak na si Pancho na pinanganak noong February 8

- Pero sa kasamaang palad ay pumanaw din sa parehong araw dahil sa complications

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

February 8 ay isa umanong bittersweet na araw para sa mag-asawang Saab Magalona at Jim Bacarro, ayon sa napag-alaman ng KAMI.

Ito ay dahil winilcome nila ang kanilang kambal na sina Pancho at Luna sa mundo pero sa kasamaang palad ay sa parehong araw din ng kapanangakan nila ay namaalam si Luna dahil sa mga komplikasyon, saad pa sa balita ng PEP.

Sa pagdiriwang nila ng first birthday sa kanilang kambal, naghandog sila ng isang espesyal na regalo sa kanilang yumaong anak na babae.

At ito ay isang lullaby o kanta na ayon pa sa caption ni Saab sa kanyang post sa Instagram ay sinulat nila ng mister ang bahagi ng kanta.

"Jim and I wrote parts of this song about 6 years ago. We never could finish it. It was after our baby girl’s passing that we learned it was meant for her. “Luna” will be released on her death anniversary, Feb 8 "

Hindi naman nakapagpigil ang mga netizens na mapa-comment sa nakaka-touch na handog ng magulang sa pumanaw na anak.

"'you left without a warning, now i’m stuck here wanting the past.' so beautiful"
"My twin mama heart is in full emotional ride! "
"this touched my heart, nearly cried. looking forward to hearing it in full! "

Isa si Saab Magalona sa mga kilalang mga Pinay celeb moms na dumaan sa "miscarriage."

Si Saab Magalona ay isa sa mga anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at Pia Arroyo.

Kapatid niya sina Elmo, Frank, at Maxene Magalona.

POPULAR: Read more news about Saab Magalona here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sekyu, pinakilig ang buong supermarket sa surpresang wedding proposal para sa nobya

Sekyu, pinakilig ang buong supermarket sa surpresang wedding proposal para sa nobya

Sekyu, pinakilig ang buong supermarket sa surpresang wedding proposal para sa nobya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel