Mag-asawang kakakasal pa lang, pinaghiwalay na ng leukemia

Mag-asawang kakakasal pa lang, pinaghiwalay na ng leukemia

-Bagong kasal pa lamang ang mag-asawang Jay at Sheila nang ma-diagnose ng cancer sa dugo ang una

-Kahit na puno pa ng pangarap ang mga ito para sa sinimulang buhay na magkasama, agad itong tinapos ng kamatayan

-Mismong Araw ng mga Puso nang magpaalam si Jay sa kanyang minamahal na asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Puno ng pangarap at plano sa buhay ang kakakasal pa lamang noon na sila Jay at Sheila. Ngunit agad itong tinapos ng sakit na cancer.

Limang buwan pa lamang pagkatapos ng pinangarap na kasal ng mag-asawa nang ma-diagnose si Jay ng leukemia o cancer sa dugo.

Hindi man ito matanggap ni Sheila noong una ay wala itong nagawa kung hindi ang manatiling matatag para sa asawa.

Ngunit dahil sa labis na paghihirap na nararamdaman, nakunan si Sheila na noon ay dalawang buwang buntis sa kanilang panganay sanang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doble hirap naman ito para kay Jay na noon ay kasalukuyang nasa ospital upang magpagamot. Anito nang maitampok sila sa programang Brigada, gusto nitong puntahan ang misis para damayan ngunit wala siyang magawa.

Ayon sa report, 30% lamang ang posibilidad na gumaling sa sakit na tumama kay Jay ngunit gaano man ito kaliit ay pinanghawakan ito ng mag-asawa.

Umaasang gumaling si Jay at maipagpatuloy ang kanila'y sinisimulan pa lamang na buhay mag-asawa.

Ngunit Pebrero 2017, sa mismong Araw ng mga Puso, nagpaalam na si Jay sa kanyang minamahal na si Sheila.

Nakalulungkot man isipin na tinapos ng sakit na cancer ang sana'y nagsisimula pa lamang na pangarap ni Jay para sa binubuong pamilya.

Bagamat nananatiling ito at si Sheila ay isang halimbawa ng wagas na pagmamahalan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel