-Labis na pag-aalala ang naramdaman ng mga magulang ng 2-buwang gulang na sanggol na si Eliza Hobbs
-Tumigil na daw kasi ito sa paghinga na mabuti na lamang ay naagapan ng mga doktor
-Dahil lamang sa simpleng sipon ang nagyari sa sanggol na hinihinalang nakuha mula sa halik
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Noong una raw ay isang simpleng sipon at ubo lamang ang iniinda ng 2-buwang gulang na sanggol na si Eliza Hobbs ngunit ito pala ay mauuwi sa kalunos-lunis na trahedya.
Dinala naman daw ito ng mga magulang nito na sina Sophie at Thomas sa doktor upang ipasuri ngunit pinauwi rin sila matapos na sabihing obserbahan lamang ang bata.
Ngunit pagkatapos ng limang araw ay nakita na lamang ni Thomas na walang malay ang kanilang anak kaya agad nila itong sinugod sa ospital.
Na-comatose daw ang bata, ayon sa ulat ng The Asianparent at nang lagyan ito ng oxygen ay bigla na lamang daw itong nangitim.
Agad naman daw rumisponde ang 20 doktor kay Eliza ngunit biglang tumigil sa paghinga si Eliza. Sa kabutihang loob ay na-revive naman ito.
Sa loob umano ng limang araw ay tatlo hanggang apat na beses na ni-revive si Eliza.
Nakahinga lamang ng maluwag ang mag-asawa nang gumising na ang kanilang sanggol ngunit isinailalim pa rin ito sa ICU.
Pagkatapos ng pitong araw ay pinauwi naman na sila.
Hinihinalang nahawa si Eliza ng sipon mula sa isang halik ayon umano sa mga magulang nito bagamat hindi pa alam ang eksaktong dahilan ng impeksyon na nakuha ng sanggol.

Photo source: The Asianparent / Baby Eliza
Source: Facebook
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: Kami.com.ph