3 Pinay celebs na nakaranas daw ng "miscarriage" at paano raw sila naka-recover

3 Pinay celebs na nakaranas daw ng "miscarriage" at paano raw sila naka-recover

3 Pinay celebs na lumaban at nalagpasan ang pagsubok sa buhay, at ngayon, masaya ng pinagpapatuloy ang buhay kasama ang kanilang mga anak.

Napag-alaman ng KAMI na ang tatlong mga kilalang mga bituin na ito sa mundo ng showbiz ay nakaranas daw ng "miscarriage" sa kanilang pagbubuntis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mawalan ng anak ay isa sa pinakasakit na bagay na pinagdadaanan ng isang babae.

Hindi exempted ang mga Pinay celebs sa ganitong karanasan, ani pa ng The Asian Parent Philippines.

Kaya raw ibinahagi nila ang listahan ng mga strong Pinay celeb moms na mga ito para makatulong sa iba at makahanap ng inspirasyon mula sa kanila, na sa kabila ng sakit ay nalampasan nila lahat ito.

At ngayon, masaya ng pinapalaki ang kani-kanilang mga bundles of joy.

1. Regine Velasquez

Ibinunyag daw ng Asia's Songbird na nagkaroon siya ng miscarriage noong 2010 bago pa raw ang kasal nila ng mister na si Ogie Alcasid.

Sa kabila raw ng nakakasakit sa damdamin na trahedya ay meron daw magandang bagay na nangyari at ito umano ay ang pagiging malapit niya sa Diyos.

At dahil sa kanyang pananampalataya raw ay nalagpasan niya lahat ito.

Ngayon, masaya si Regine kapiling si Ogie at ang kanilang anak na si Nate.

2. Mariel Padilla

Dalawang "miscarriages" naman daw ang pinagdaanan ni Mariel Padilla noong 2015.

Pero pagkatapos ng isang taon ay winelcome nila ni Robin Padilla ang kanilang unica hija na si Isabella.

Saad pa ni Mariel noong inanunsyo niya ang kanyang pagbubuntis:

“Totoo talaga ‘yung sinasabi nila na everything happens in God’s time."

3. Pokwang

Ang komedyante naman na si Pokwang ay dumaan rin sa parehong madilim na karanasan nang makunan siya pero pinili raw niya na mag-focus sa bright side ng buhay.

Gaya ng kaibigan na si Mariel, ani ni Pokwang:

“May mas magandang plan si God na mas matibay."

Ito rin daw ay dahil na rin sa tulong ng kanyang mister na si Lee O'Brien at noong January 2018 na nga, sinagot na ni Lord ang kanyang prayers.

Winelcome niya ang kanyang 2nd daughter na si Malia.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel