Mag-asawang Pinoy sa Paris, patay sa sunog

Mag-asawang Pinoy sa Paris, patay sa sunog

-Kinumpirma ng mga kaanak na ang mag-asawang Francisco at Cresencia Abalos ay kasama sa mga nasawi sa sunog sa Paris, France

-Karamihan sa mga Pinoy na kakilala ng mga ito ay nagluluksa sa pagkamatay ng mga ito

-Samantala, iniimbestigahan na ang isang 40-anyos na babae na may problema umano sa pag-iisip na posibleng may kinalaman sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Parehong tubong Pangasinan ang mag-asawang Francisco at Cresencia Abalos na kasama sa mga nasawi sa sunog sa Paris France.

Kinumpirma ito mismo ng mga kaanak ng mga ito ayon sa report ng ABS-CBN News.

Tatlo ang anak ng mga ito, isa ay nasa Pilipinas, isa sa Saudi, at ang isa ay nakatira rin sa Paris.

Sobrang lungkot naman ang nararamdaman ng ilan sa mga Pinoy na kakilala ng mag-asawa. Ayon sa mga ito, mabait pareho ang dalawa.

"Nakaka-shock at nakakalungkot kasi kahit hindi natin sila kakilala eh kababayan natin sila. Kapamilya na ang turing mo 'pag nasa Paris ang mga Pilipino. Nakakasama ng loob, masakit isipin," ayon sa isang OFW doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mag-anak naman na pinagsisilbihan ni Francisco bilang babysitter, labis na nanghihinayang din para sa dalawa.

"Kuya Rico is a very nice person sa two kids ko. Inaalagaan niyang mabuti. Ipinaramdam niya na lolo siya for my two kids. Super love niya lalo na 'yung bunso ko kasi siya 'yung nakakasama niya araw-araw from Monday to Friday," ani Mrs. Tiongco.

Sabi pa nito, hinihintay pa daw nito si Franciosco kinaumagahan ng sunog ngunit hindi na niya ito ma-contact nang subukan niyang tawagan.

"Talagang di ko mapigilan kasi close kami mula pa noong 1996. Napakabait ng mag-asawang 'yan... Sa mga nagmamahal sa kanila, sorry, hindi na talaga nila kinaya," ayon naman sa isa pang kakilala ng mga ito.

Samantala, iniimbestigahan naman ang isang 40-anyos na babae na may problema umano sa pag-iisip na itinuturong pinagsimulan ng sunog.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel