Lalaking na-feature sa "Front Row" ng GMA, pinatitigil na umano ang paglabas ng kanyang kwento

Lalaking na-feature sa "Front Row" ng GMA, pinatitigil na umano ang paglabas ng kanyang kwento

- Naglabas ng sama ng loob si Ellowe Allviso , dating na-feature ang istorya sa programang Front Row ng GMA 7, na ipatigil na raw ang pagpapalabas ng kanyang kwento

- Walang tigil na raw kasi ang pamba-bash sa kanya ng mga taong nakakakita ng kanyang kwento at dahil dito ay nakararanas na siya ng depresyon

- Pakiramdam niya pinagkakitaan lamang siya ng naturang network kaya nakikiusap siyang tanggalin na lamang ng GMA sa kanilang social media sites ang kwento ni Ellowe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pebrero 6 ng taong kasalukuyan nang lumutang ang video ni Ellowe Alviso kung saan naglabas ito ng sama ng loob sa programang 'Front row' ng GMA 7.

Ito ay tatlong taon matapos maipalabas sa naturang programa ang kwento niya na may pamagat na "Retoke."

Sa post ng lalaki, pinatitigil na niya umano ang pagpapalabas pa ng kanyang kwento mula sa GMA. Pakiramdam niya raw kasi ay nagamit lamang umano siya ng network upang pagkakitaan ang kanyang kwento.

Dati raw modelo si Ellowe. Lumabas na raw siya sa ilang commercials at nag-audition na rin siya sa mga talent search. Upang mas maging kaaya-aya raw siyang tingnan naisipan niyang magparetoke ng ilong na kanya palang ikapapahamak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tuluyan nang nabago ang mukha ng dating modelo hanggang kaya naman nawalan na rin siya ng mga proyektong pantelebisyon.

Dahil dito, naging agaw eksena ang kanyang kwento at isa ang GMA 7 sa naging interesado upang maibahagi itosa isa sa kanilang mga documentaries nila.

Ngunit ngayon, makalipas ang ilang taon, nakikiusap na si Ellowe na may sama ng loob pa, na sana raw ay tuluyan nang mabura ang kanyang mga kwento mula sa naturang network.

Nakaranas na raw siya ng sandamakmak na pambabash mula sa mga taong nakapanood ng ng mga ito.

Isa pa sa mga hinanakit niya ang di naman pagtulong umano ng programa sa kanyang pagpapagamot.

Wala rin daw respeto ang GMA kay Ellowe dahil sa mga kinuha nitong dokumento sa pulis na humahawak di umano ng kaso niya laban sa gumawa ng kanyang ilong. Di man lamang daw naipaalam ito ng maayos sa kanya.

Umasa rin daw si Ellowe na kahit na paano ay ipakita sana ng progrma ang bank account niya sa mga nais sanang tumulong sa kanya. Di raw siya umano napagbigyan sa aspetong ito.

Ayon pa sa palakat ni Ellowe, dumating pa sa puntong namalimos siya na pinagtakhan din ng maraming tao na nag-akalang natulungan siya ng programa ng GMA.

Kaya naman galit daw talaga ang nararamdaman niya dahil sa inaasahan sana niyang tulong na di naman niya natanggap mula sa TV network.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang video mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komeno:

"Ganun talaga ang network kahit ayaw mo ipalabas ay hahanap sila ng paraan gawa sila istoyrya"
"dka lang nasatisfied sa tulong na binigay nila kaya ganyan ka...if masama loob mo kasuhan mo."
"Kua I tulfo mo or ilapit mo attorney para malaman mo ang karapatan mo pwedy mo cla kasuhan"
"ginusto mo eh dapat dka pumayag magpa interview nun ..sa wish ko lang ka dapat kc tulong ang need mo.. masikat to GMA 7 pa tlga gusto banggain..mag direct ka sa kanila dun ka magsumamo ng saluobin mo."
"gusto mo lng ng pera kaya k ganyan wla bayad nagulat k kz wla bayad hahaha tigil n paulit ulit sinasabi"
"Tumbukin mo na agad ang pakay mo tol di lahat ng tao ei masipag makinig sa paulit ulit na intrada mo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel