Dating sikat na seksi aktres, super bonggang yayamanin na ngayon at mga anak, mga propesyonal na!

Dating sikat na seksi aktres, super bonggang yayamanin na ngayon at mga anak, mga propesyonal na!

- Dating sikat na seksi aktres, isa na raw ngayong super bonggang yayamanin

- Isang anak, piloto na at ang isa ay nagtatrabaho na rin daw isa isang pahayagan

- Kapos daw sa edukasyon ang seksi aktres kaya napakaimportante sa kanya na makapagtapos ang mga anak

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na naispatan ng KAMI, isa raw na dating sikat na seksi aktres ay ngayon super yayamanin na.

Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Bandera.

Ani pa sa ulat ni Cristy, ang naturang seksi star ay walang iba kung hindi si Katrina Paula.

Ngayon daw, may apat na raw na anak si Katrina Paula na nagngangalang Nikki, Athens, Syoti, at Mimon.

Pagbahagi pa ni Cristy, malapit daw sa kanilang pamilya si Katrina Paula at mga anak nito.

Dagdag pa sa kanyang balita, ang panganay daw na anak ni Katrina na si Nikki ay isa na umanong piloto ngayon.

At ang anak niyang si Athens naman daw ay nagtatrabaho na raw sa isang pahayagan.

Habang ang dalawa pa niyang anak na sina Syoti at Mimon ay nag-aaral pa.

Saludo raw ang pamilya ni Cristy sa dating seksi aktres dahil hindi umano nito pinabayaan ang kanyang mga anak sa kabila ng pagiging single mom daw nito.

Dahil kapos daw sa edukasyon si Katrina ay napakahalaga raw sa kanya na makapagtapos ang kanyang mga anak at always daw nakasuporta sa mga anak kung anong kurso ang gusto nilang kunin.

Pahayag pa ni Cristy Fermin tungkol sa yaman ngayon ni Katrina Paula:

"At may naipatayo na rin siyang building na malapit lang sa Muñoz Market. Pinauupahan na niya ang mga kuwarto sa ikalawa at ikatlong floors, may kausap naman siyang uupa sa first at second floor para gawing opisina, kundi man call center."

Si Angeline Yap o mas kilala sa showbiz bilang si Katrina Paula ay bumida at sumikat daw sa mga bold films noon, at ani pa sa balita ng GMA News Online, itinuturing pantasya raw ng bayan noon.

Umalis sa showbiz at nagtrabaho raw sa Japan si Katrina at bumongga ang buhay niya nang pumasok sa negosyo.

Isang beauty queen na rin si Katrina nang maiuwi mula sa Japan ang Mrs. Queen VOAA (Voice Of An Angel) 3rd runner-up title.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel