Call center agent, nahulihan ng droga na ibinebenta sa kabataan sa Cebu City

Call center agent, nahulihan ng droga na ibinebenta sa kabataan sa Cebu City

-Timbog ang isang 24-anyos na call center agent na nahulihan ng party drugs sa isang buy bust operation sa Cebu City nitong Huwebes

-Ayon sa report, kabataan ang karamihan sa bumibili nito at ibenebenta sa mga bars

-Ngunit hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang source ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

15 tabletas ng party drugs na isa umanong klase ng ecstasy ang nakuha mula sa isang 24-anyos na call center agent nitong Huwebes sa Cebu City.

Nangyari ito sa ikinasang buy bust operation, kasunod ng mas pinaigting na aksyon ng mga awtoridad kontra droga matapos ang insidente ng pagkamatay ni Ashley Abad dahil umano sa drug overdose na naibalita na rin ng KAMI.

Tinatayang nagkakahalaga ng P25,000 ang nakuha mula sa suspek.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, sinabi ng suspek na isang nagngangalang "Matoy" ang nagpadala sa kanya ng mga party drugs.

Hindi rin nito sinabi kung saan dadalhin ang mga ito dahil may kukuha na lamang sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi naman ni PDEA-Central Visayas Director Wardley Getalla, may mga impormasyon silang nakuha na karaniwang sa mga bars sa Cebu ibinebenta ang mga ito at mga kabataan ang bumibili nito.

“We’re conducting surveillance to identify saang mga bars ito. May plano din tayong dialogue sa mga bar owners kasi nga baka nagagamit ang kanilang negosyo," anito.

Samantala, dahil sa hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng autopsy ni Ashley, hindi pa nila matukoy kung may kaugnayan ang insidenteng ito sa pagkamatay ng dalaga.

Hirap pa rin umano ang mga pulis sa kaso ng dalaga lalo pa at hindi nakikipag-cooperate ang nobyo nito at ilan pang nakasama nito noong gabi ng Sinulog party na una nang naibalita ng KAMI.

Call center agent, nahulihan ng mga party drugs sa Cebu City

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel