80-anyos na lolo, patuloy na nagka-kargador para sa 3 apo

80-anyos na lolo, patuloy na nagka-kargador para sa 3 apo

-Kahit na hapong-hapo na ang katawan ng 80-anyos na si Benjamin Amor, sinisikap pa rin nitong tatagan ang sarili upang makapag-hanap-buhay

-Aniya, kailangan niyang patuloy na kumayod upang buhayin ang kanyang pamilya

-Minsan na rin itong nag-viral sa social media nang kumalat ang video at ilang larawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang palengke sa Camarines Norte, matatagpuan ang 80-anyos na kargador na si Benjamin Amor.

Sa kabila ng kanyang edad, patuloy pa rin itong kumakayod para sa kanyang mga apo na iniwan sa kanya ng mga anak.

Dati na itong nag-viral sa social media nang may isang netizen ang nag-upload ng video at ilang larawan nito.

Maraming netizens ang hindi naiwasang mag-alala para sa matandang dapat sana'y nagpapahinga na lamang sa kanilang tirahan.

Ayon sa ulat ng Brigada kung saan ito naitampok noon, 8-anyos pa lamang si lolo Ben nang magsimula itong magbanat ng buto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At kahit pa ilang dekada na ang lumipas at malaki na ang ipinagbago ng kanyang katawan, hindi pa rin ito tumitigil sa pagha-hanap-buhay.

Halos makuba na ang matanda para sa kaunting kita. Kada araw, sinisikap nitong makapag-uwi ng P100 para may maipang-kain sa pamilya.

Minsan na rin daw siyang naisugod sa ospital nang siya ay mahilo at mawalan ng malay habang nasa palengke.

Hindi rin daw palaging nakakapag-padala ang kanyang anak ng tulong pinansiyal kaya naman sa kanya pa rin umaasa ang kanyang mga apo.

Nakakalungkot din na hindi rin nito alam ang mga benepisyong nakalaan para sa katulad niyang senior citizen, kung hindi pa ito sinabi ng isang kapitbahay na nagmagandang-loob.

Nakalulungkot lamang isipin na ang isang katulad ni lolo Ben, na patuloy na kinakaya ang bigat ng responsibilidad kahit pa siya mismo ay nangangailangan na rin ng pag-aalaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Tricycle driver na nakapangasawa umano ng foreigner, nag-viral

Tricycle driver na nakapangasawa umano ng magandang foreigner, nag-viral

Tricycle driver na nakapangasawa umano ng magandang foreigner, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel