OFW sa Jeddah, nagkasakit na at nanghihina! Nagmakaawang makauwi na

OFW sa Jeddah, nagkasakit na at nanghihina! Nagmakaawang makauwi na

-Humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang isang OFW na nasa Jeddah upang siya ay makauwi na

-Bukod kasi sa madalas na pagtaas ng kanyang blood pressure at madalas na rin siyang manghina at manginig

-Nangako naman ng tulong si Raffy Tulfo at ang OWWA upang makauwi na at makapag-pagamot ang OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng kanyang kapatid, humingi ng tulong ang overseas Filipino worker (OFW) na si Enjalyn Abungin sa programang Wanted sa Radyo.

Ayon kay Abungin, nasa isang establisyemento siya kung saan dinadala ang mga OFW na nag-resign na sa trabaho sa Jeddah, Saudi Arabia.

Hindi na raw kasi niya kayang mag-trabaho dahil sa nararamdamang panghihina at madalas na pagtaas ng blood pressure.

Nanginginig na rin daw ito lalo na kapag siya ay napapagod sa paglalaba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman sa labis na takot ay hiniling niya na siya ay makauwi na lamang sana sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Raffy Tulfo kung ito ay hindi lamang na-ho-homesick kaya gustong umuwi.

Sabi naman ni Abungin, may mga medical reports ito na magpapatunay na madalas tumataas ang kanyang blood pressure.

Dahil dito, humingi ng tulong si Tulfo mula sa OWWA. Nangako naman si Deputy Administrator Arnell Ignacio na agad aaksyunan ang kaso ng OFW.

Lalo pa at hindi umano nakikipag-cooperate ang agency nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel