What will Filipinos do if a 10-year-old ask them to light his cigarette?

What will Filipinos do if a 10-year-old ask them to light his cigarette?

-Sa pamamagitan ng isang social experiment, sinubok muli ang ilang Pinoy kaugnay naman sa pagyoyosi

-Isang batang asset ang kasabwat ng Human Meter team at magkukunwaring bibili o makikisindi ng yosi sa ilang nating kababayan

-Patunay nga ito na kung anong ginagawa ng matatanda ay gagawin din ng mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa isang kasabihan, "kung anong ginagawa ng matanda ay gagawin din ng bata". Tulad na lamang ng mga bisyong talamak na ngayon sa bansa.

At hindi nakaligtas dito ang mga kabataang dapat sana'y nililinang upang siyang maging kinabukasan ng bayan.

Kabi-kabila ang mga balitang napapanood sa telebisyon o naririnig sa radyo kaugnay sa mga menor de edad na nasasangkot sa krimen o bisyo.

Kaya naman sa pamamagitan ng isang social experiment ng team ng Human Meter, susubukin ang ilan sa ating mamamayan kung ano nga ba ang partisipasyon nating matatanda sa kaisipan ng mga bata.

Nauna nang sinubok ng Human Meter kung pagbibilihan ba ng alkohol ang mga menor de edad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sumunod naman ay kung pagbibigyan ba ang isang bata kung sasabihin nitong bibili o makikisindi siya ng sigarilyo.

Isang batang edad 10-anyos ang nagsisilbing asset ng team at susubuking bumili ngunit hindi ito pinagbilihan ng isang tindera, habang pinagsabihan pa ito ng isa sa mga lalaking bumibili din.

Sinubukan ding makisindi at manghingi ng asset ng sigarilyo sa ilan pang Pinoy na nakita nitong nagyoyosi.

Bagamat nakatutuwang lahat sila ay hindi pinagbigyan ang bata at pinayuhan pa ang ito tungkol sa paninigarilyo, ngunit sabi nga nila: practice what you preach.

Magiging mabuti lamang tayong halimbawa kung ang nakikita rin sa atin ng mga musmos ay iyong tama at nakabubuti para sa lahat.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel