Hong Kong actress, nahanap ang Pinay yaya niyang 25 taon nang di nakita

Hong Kong actress, nahanap ang Pinay yaya niyang 25 taon nang di nakita

- Labis ang kaligayahan na nadaraa ngayon ng Hong Kong singer/ actress na si Charlene Choinang matagpuan niya ang kanyang Pinay yaya

- 25 taon nang nawalay si Charlene kay Eden, na siyang nag-alaga sa kanya mula bata

- Matagal na nilang hinahanap ang Pinay dahil sa kabutihang loob na pinakita nito sa pamilya ni Charlene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang tuwa ang Hong Kong singer/ actress na si Charlene Choi nang makasama niyang muli ang Pinay yaya na si Eden, 25 taon na ang nakalipas.

Binahagi ng Hong Kong actress ang larawan niya kasama si Eden sa kanyang instagram.

Naikwento ni Charlene na sanggol pa lamang siya hanggang tumungtong siya ng grade 3 ay inalagaan siya ni Eden.

Nalaman ng KAMI na tinuturing daw ng aktres ang Pinay na isa sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa sobrang close pa raw nila, pareho pa ang gupit ng kanilang buhok noon. Si Eden daw talaga ang kasa-kasama niya sa lahat ng kanyang gawain nung bata pa siya.

Tuwing sweldo pa raw ni Eden at lumalabas ito, sinisiguro niyang may pasalubong siya kay Charlene kahit pa ito ay maliit na bagay lamang. At kapag sobrang busy noon ng mga magulangvng aktres, sinasama na lamang siya ni Eden sa pamamasyal kasama rin ng mga kapwa niya Pinay.

Kaya naman laking pasalamat ni Charlene na nabigyan pa muli sila ng pagkakataong magkasama ng itinuring na nilang di iba sa kanilang pamilya. Handa raw siyang suklian ang anumang pagmamahal na ibinigay at ibinuhos sa kanya ng kanyang yaya Eden.

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig ang puso sa mensahe na ito ni Charlene para sa kanyang yaya Eden.

Likas daw talagang maalaga at mapagmahal ang mga Pilipino. At napakabuto rin ni Charlene dahil sa pagtanaw nito ng utang na loob Pinay na nag-aruga sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel