Nobya, pinagdiwang pa rin ang monthsary nila ng BF sa mismong burol nito

Nobya, pinagdiwang pa rin ang monthsary nila ng BF sa mismong burol nito

- Nag-viral ang post ng netizen na si Rhon Amarilla Morallos tungkol sa pagdiriwang pa rin ng monthsary ng magkasintahan Ejay at Gel kahit pumanaw na ang lalaki

- Kahit sumakabilang buhay na ang nobyo,nag-effort pa rin ang nobya na maglagay ng dekorasyon sa burol nito na sumisimbolo sa pagdiriwang nila ng ika-siyam na buwang pagmamahalan

- Sa umpisa ng video, makikitang nakakangiti pa ang babae ngunit naging emosyonal pa rin ito sa huli lalo na nang lagyan niya ng singsing ang daliri ng kasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ni Rhon Amarilla Morallos na nagpakita ng patunay na "true love never dies."

Sa kanyang post, nagdiwang ang magkasintahang Gel at Ejay ngunit mapapansing nasa burol sila. Iyon pala, pumanaw na si Ejay ngunit ginunita pa rin ni Gel ang kanilang monthsary.

Ayon sa post ni Rhon, todo effort pa rin si Gel na naglagay pa ng dekorasyon sa burol ng nobyo upang ipakita na mahal na mahal pa rin niya ito.

Sa umpisa ng video, nakakangiti pa ang nobya ngunit nang magbigay na ito ng mensahe sa kanyang nobyo, di na niya napigilang maiyak.

Halos yakapin na niya ang kabaong sa tindi ng emosyon na nararamdaman. Maya maya pa'y binuksan pansumandali ang silag na takip ni Ejay. Iyon pala, lalagyan ni Gel ng singsing ang daliri ng nobyo bilang simbolo ng kanilang wagas na pag-iibigan.

Halos di mahawakan ng nobya ang kamay ni Ejay na napapahagulhol sa pag-iyak habang tinatangkang ilagay ang singsing.

Habang nilalagay ang singsing sa daliri ng pumanaw na nobyo, wala nang nasabi si Gel kundi "I love you, Babe."

Mapapansin na naging emosyonal din ang mga taong nakasaksi ng ginawa ni Gel kay Ejay.

Ayon pa sa caption ng post, kung buhay lamang daw si Ejay, maiiyak din ito sa labis na tuwa sa ginawa ng nobya.

Naibahagi rin ang viral post na ito sa Pilipino star na pumalo na sa halos dalawang milyon na views isang araw mula nang ito ay nai-post.

Narito ang reaksyon at komento ng ilang netizens na naantig sa ginawa ni Gel para sa nobyong si Ejay:

"Nakakaiyak ..sn mk move on kaagad lagi k lng magdadasal para syo atnpara s kaluluwa nya sn mk tagpo kp ng mamahalin n pwede pumalit s knya.hindi mo n talaga sya makakalimutan naging bahagi rin sya mg buhay mo .."
"Mahirap maka moveon lalo nat kpg mahal mo ang bf mo"
"Naiyak ako, condolence po"
"Nakakaiyak tulo luha ko grabi. ..condolence po pray for him nlng po"
"Bless you magtiwala ka lang kay God and continue praying for his soul"
"Naiiyak ako feeling madami pa yung luha ko Sayo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel