Matandang babae, tinuturong nagtapon sa bagong silang na sanggol sa Dumaguete

Matandang babae, tinuturong nagtapon sa bagong silang na sanggol sa Dumaguete

- Isang sanggol ang natagpuang nakabalot sa bag sa Dumaguete

- Wala nang buhay ang sanggol nang matagpuan ito sa isang basurahan

- Hinihinalang isang matandang babae ang nagtapon sa bagong silang na sanggol na nakakabit pa ang pusod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol nang matagpuang wala na itong buhay sa isang basurahan sa Dumaguete city, Negros Oriental.

Ayon sa GMA news, ilang residente ng nasabing lugar ang nakakita sa bag kung saan nakasilid ang kaawa-awang sanggol.

Napansin nilang nakakabit pa ang pusod nito kaya naman malaki ang posibilidad na kapapanganak pa lamang nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, isang matandang babae ang tinuturong nagtapon sa sanggol ayon sa ilang saksi.

Mariing itinanggi naman ito ng matanda na kalaunan ay pinaniwalaan naman ng mga taga-roon.

Binigyan ng maayos na libing ang walang buhay na supling ngunit nagsagawa muna ng eksaminasyon sa sanggol bago ito ilagak sa huling hantungan.

Tinatayang ito ang unang insidente ng pag-aabandona sa walang buhay na sanggol ngayong taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel