Tatay na nanakal ng anak, kinampihan ng MSWD at PNP? Tulfo, 'di nagpatalo

Tatay na nanakal ng anak, kinampihan ng MSWD at PNP? Tulfo, 'di nagpatalo

-Matapos ang reklamo ng isang OFW na biglaang napauwi pa dahil sa pag-aalala sa mga anak ay agad namang inaksyunan ito ng team ni Raffy Tulfo

-Matatandaang nagkaroon pa ng mainit na sagutan si Tulfo at ang head ng MSWD nang dipensahan pa ng huli ang lalaking inirereklamo ng pananakit

-Matagumpay namang nakuha ng OFW ang kanyang dalawang anak dahil na rin sa tulong ng programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na inaksyunan ng Raffy Tulfo in Action team ang reklamo ng overseas Filipino worker (OFW) na si Lorna Viscaro tungkol sa kinakasama na sinasaktan ang kanilang mga anak.

Biglaang umuwi si Viscaro dahil hindi na nito makaya pa ang nakikitang pang-aabuso sa dalawang anak ng sariling ama ng mga ito na si Ronacin Nicanor.

Matatandaang mayroong larawan na ipinakita si Viscaro na nagpatunay nag pananakit ni Nicanor, dito makikitang sakal-sakal nito ang anak.

Bagamat inamin nitong ginawa nga nito iyon, sinabi naman nitong panakot lamang iyon kay Viscaro upang umuwi na ito.

Bagay na lubos na ikinagalit ni Raffy Tulfo. Nagkaroon pa ng mainit na sagutan sa pagitan nito at ng head ng MSWD sa Leyte na si Aida Paner nang depensahan pa ng huli ang lalaking inirereklamo na una nang naibalita ng KAMI.

Ani Tulfo, may mga ebidensiya na at on air nang umamin si Nicanor sa nagawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa tulong ng programa ay agad na lumipad si Viscaro papunta sa Leyte at doon nag-harap-harap sila.

Nagkaroon sila ng kasunduan na kukuhanin muna ni Viscaro ang mga bata at ipauubaya ang pangangalaga sa kaniyang pamilya.

Hindi man sang-ayon dito si Nicanor ay wala itong nagawa. Nangako na lamang ito na aayusin ang sariling buhay hanggang sa muli siyang tanggapin ni Viscaro.

Sa statement na inilabas ng programa, sinabi dito na tila hindi naiintindihan ng mga social worker sa Carigara, Leyte at ng PNP ang sitwasyon.

Dahil sa kabila umano ng mga ebidensiya at ng mismong pag-amin ni Nicabor ay tila hindi pa rin kumbinsido ang mga ito.

Ayon din sa programa, masaya nang magkakasama ang mag-iina sa Valenzuela at wala na umanong takot na nararamdaman ang mga ito sa piling ng ina.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & their kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel