Nadulas! Ion Perez, kinantiyawan matapos tawaging "Lab" si Vice Ganda

Nadulas! Ion Perez, kinantiyawan matapos tawaging "Lab" si Vice Ganda

- Marami ang napaisip kung talaga bang nadulas o sadyang nagkamali lang si Ion Perez sa kanyang pagtawag ng "Lab" kay Vice Ganda

- Naghiyawan ang mga studio audience sa kanyang sinabi lalo pa at pinansin ito ng iba pang hosts ng show

- Pinagpawisan ng todo si Ion nang kantiyawan siya ng iba pang mga showtime hosts dahil sa kanyang nasambit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong naintriga ang tunay na estado ng relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez. Ito ay matapos niyang tawaging "Labs" si Vice Ganda nang tanungin siya ni Vhong Navarro sa Wednesday episode ng noontime show.

Dahil wala si Vice Ganda sa nasabing episode, tinanong ni Vhong sina Ion at Jacki kung saan nila dadalhin ang kanilang ka date sa February 14. Kasunod niyon ay tinanong din nito ang dalawa kung paano nila mapapakita ang pa

gsuporta kay Vice Ganda sa paparating nitong 3-day concert kasama si Regine Velasquez sa Araneta Coliseum.

Hirit ni Jackie, pupuwesto siya sa audience upang maipakita ang pagsuporta samantalang sa backstage naman daw si Ion upang mapabatid ang pagsuporta sa TV host.

“Ang galing mo, Lab!” sambit ni Ion na naging dahilan ng paghiyaw ng mga audience.

Kasunod nito ay tila kinausap ni Vhong si Vice habang nakatingin sa camera. “Tawag sa ’yo Lab? Ikaw, ha! … Sabi ko turuan mo ‘to, e. Nadudulas na rin, e,” pangangantiyaw niya.

Napansin din ni Vhong na tagaktak ang pawis ni Ion na tila tensiyonadong-tensiyonado kaya nasabi niyang baka iyon daw ang tawagan nila ni Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala si Ion Perez nang palitan niya ang isang It's Showtime performer na si Kuya escort. Kinagiliwan ang kanyang awkward na dance steps at game na pakikipagkulitan sa mga It's Showtime hosts. Dahil sa kasikatan ay nagkaroon na rin siya ng mga out of town shows kung saan kasama niya si Jacki Gonzaga. Si Vice Ganda ang nagmamanage sa kanilang dalawa.

POPULAR: Read more news about It's Showtime hosts here

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinuking ni Jhong Hilario na magkasama umano sina Vice Ganda at Ion Perez sa pamamagitan ng pagpapakita ng pruwebang litrato.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & their kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel