Pinay na emosyonal na nakalapit sa Santo Papa, nabigyan pa nito ng napakagandang regalo

Pinay na emosyonal na nakalapit sa Santo Papa, nabigyan pa nito ng napakagandang regalo

- Maswerte ang Pinay na si Sally Chan Mallari na nakalapit at nakipag-usap sa Santo Papa

- Di lang isa kundi makailang beses pa niya itong nakadaupang palad sa pagbisita nito sa United Arab Emirates

- Di man nakita sa video ngunit nabigyan pa si Sally ng Santo Papa ng napakagandang rosaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilan ng Pinay na si Sally Chan Mallari na maluha nang makalapit at makausap niya ang Santo Papa.

Makikita sa mismong post ni Sally, na habang paparating palang si Pope Francis ay napahagulhol na ang Pinay marahil dahil sa ramdam nito ang kabanalan ng Santo Papa.

Nang makalapit na, unang niyang hinagkan ang mga kamay na agad namang inabot ng Santo Papa sa kanya.

"Bless you child, Bless you" ang sinabi ni Pope Francis kay Sally habang wala pa ring humpay ang kanyang pag-iyak sa kagalakan.

Bagaman wala na sa video, naibahagi rin ni Sally na niregaluhan pa siya ng Santo Papa ng napakagandang rosaryo. Kulay puti ito na nakalagay din sa puting eleganteng kahon. Napakalinis at banal tingnan ng naturang rosaryo.

Sa panayam ng Human Fraternity kay Sally, nasabi ng Pinay na di niya mawari ang kanyang nararamdaman. Napakaswerte raw niya dahil sa milyon-milyong mga katoliko na nagnanais makapagmano manlang sa Santo Papa, isa si Sally sa mga pinalad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binahagi rin ni Sally ang mismong salita na nabanggit niya habang hawak niya ang kamay ng Santo Papa.

"Father, please bless this nation, please bless the UAE for bringing you to us.." ang nasabi ni Sally.

Samantala, nagalak din ang ilang netizens sa karanasan na ito ni Sally at karamihan sa kanila ay nagsabing napaswerte ng Pinay na ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"awesome Sally"
"Mabuhay ka ma'am"
"You are truly blessed!"
"Indeed ur blessed! Faith works wonder!"
"Wow!how lucky and blessed."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel