Netizens, hinangaan ang motoristang huminto para tulungan ang lalaking nahulog sa wheelchair

Netizens, hinangaan ang motoristang huminto para tulungan ang lalaking nahulog sa wheelchair

- Nag-viral ang video ng isang motorista na talagang huminto pa upang tulungan ang isang lalaki na di na nga makatawid, nahulog pa sa kanyang wheelchair

- Humanga ang mga netizens sa ginawa na ito ng motorista dahil imbis na lampasan na lamang, talagang huminto ito at tinulungan ang naka-wheelchair

- Umabot na sa 392,000 views ang naturang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga raw ang ginawa ng isang motorista na tumulong sa isang lalaking nahulog na sa kanyang wheelchair.

Makikita sa video na binahagi ng Yahoo Philippines na papatawid na sana ang lalaking naka-wheelchair nang mawalan ito ng balanse at tuluyang mahulog.

Sakto namang paparating ang motorista na di nagdalawang isip na tulungan ito.

Matapos maitayo ang lalaki, tinulungan pa ito ng kasama ng motorista na makatawid. Marahil nasaktan din kasi ang lalaki sa kanyang pagkakabagsak kaya naman di nila ito basta iniwan.

Samantala, labis namang hinangaan ng mga netizens ang motorista . Ayon pa sa ibang nagkomento, bibihira na raw kasi talaga ang mga taong may malasakit sa kanyang kapwa gaya ng ginawa ng motorista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"You guys have a golden heart. God bless you."
"good job guys you save the old man"
"that is humanity"
"Sa pinas yan tumulong kana nanakawan ka pa un motor delikado"
"people always turn up when people need help,beautiful people"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel