Mga pulis Marikina na nanghuhulidap at nangingikil umano, inaksyunan ni Idol sa entrapment operation

Mga pulis Marikina na nanghuhulidap at nangingikil umano, inaksyunan ni Idol sa entrapment operation

- Ilang mga tao ang sabay na lumapit sa Raffy Tulfo in Action dahil sa pangingikil umano ng mga pulis

- Yung isang nagtatrabaho sa OPPO ay hinihingan nila ng cellphone at ang isa naman ay hinuli at gustong paamining siya si "Mimi Taba"

- Inaksyunan agad ni Idol Raffy at hiningi ang tulong ng CITF upang mahuli ang mga abusadong pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang mga tao ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang mga abusadong mga pulis.

Nalaman ng KAMI na Pulis Marikina ang mga nainvolve sa attempted hulidap at pangingikil.

Tinulungan sila ni Kuya Raffy na makapunta sa Counter Intelligence Task Force (CITF).

Dito, nakausap nila ang isa sa mga opisyal doon at ikinuwento nila kung ano ang mga ginawa sa kanila ng mga pulis.

Isang Mimi Lozada ang pilit na pinaamin ng mga pulis na siya si "Mimi Taba" na hinahanap nila.

Ayon pa kay Lozada, nakasakay siya sa motor at pilit pinapaangat sa upuan pero hindi siya gumalaw dahil baka tamnan nila ng droga.

Umiyak siya habang naaalala ang karanasan, lalung-lalo na at sa harap ng mga bata ito nangyari.

Ang isang ate naman na sa OPPO nagtatrabaho ay hinihingan nila ng cellphone.

Yung isa naman ay hinihingan nila ng P100K dahil kung hindi ay may mangyayari sa kanya.

Sa araw na gagawin na ang entrapment, natunugan umano ng mga pulis kung kaya walang lumitaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinabukasan, pinuntahan nila ang headquarters ng mga pulis at dito nadatnan nila ang isang tinuturo nilang positibo na nakunan ng CCTV.

Agad na dinis-armahan ang pulis at agad na may order for relief ang iba pang mga suspetsado.

May isa nang pulis na nag-report sa headquarters pero ang iba ay nagtatago pa rin.

Salamat sa aksyon ni Idol Raffy, naging kampante rin ang mga buhay ng mga taong naging biktima ng mga abusadong pulis.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel