Lalaking nag-selfie lang habang nagle-lechon, nakaahon mula sa pagkakalulong sa droga

Lalaking nag-selfie lang habang nagle-lechon, nakaahon mula sa pagkakalulong sa droga

- Aminado si Allan na minsan na siyang nalulong sa ipinagbabawal na gamot noon at nawalan ng pag-asa sa buhay

- Di niya akalaing ang pagseselfie niya habang nagle-lechon ang mga kamag-anak ng nobya niya ang mag-aahon sa kanila sa buhay

- Masasabi raw niyang swerte ang baboy sa kanyang buhay dahil ito ang naging daan upang tuluyan na siyang makawala sa bisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang nalulong sa ipinagbabawal na gamot si Allan Ocampo na siyang sisira sana sa kanyang buhay.

Ayon sa kwento niyang binahagi sa programang Kapuso mo Jessica Soho, ninais naman niyang makawala sa masamang bisyo kaya pumayag siyang mag-OFW.

Ngunit, nang umuwi siya sa Pilipinas, di niya naiwasang bumalik sa pagdodroga. Dito naalarma ang kanyang pamilya kaya pinasok siya ng kanyang ina sa rehabilitation center.

Paglabas niya mula rito matapos ang dalawang taon, muli niyang binalikan ang nobyang si Sandra Jalova. Aminado ang nobya na mahal na mahal niya si Allan noon pa man kahit pa madalas silang paghiwalayin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang minsang nag-lechon ang pamilya nina Sandra, naisipan ni Allan na mag-selfie sa mga nili-litsong baboy. Nang ito'y kanyang i-post laking gulat niya nang biglang may umorder.

Dito na nagsimula ang "swerte" sa kanyang buhay na makaahon na rin sa pagkakalulong niya sa droga.

Di rin siya binitawan ng kanyang nobyang si Sandra na naging katuwang niya sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Dahil dito nakapagpundar na siya ng ilang mga kagamitan kasama na rin ang pagkakaroon niya ng sariling sasakyan at sariling litsunan

Bilang pasasalamat, binalikan niya ang rehabilitation center at nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagbabago upang magsilbing inspirasyon na rin sa mga kagaya niyang minsan nang naligaw ng landas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel