KC Concepcion, nanindigan na kasal muna bago buntis

KC Concepcion, nanindigan na kasal muna bago buntis

- Masaya ang Valentine's Day ni KC Concepcion ngayon dahil tila nasa bansa na naman si Pierre Emmanuel Plassart

- Nagpost si KC ng isang romantic picture nila ni Pierre na parang hinahalikan siya nito

- Isang netizen naman ang nag-comment na magiging maganda ang anak ng celebrity couple na agad naman tinugunan ni KC at nanindigan na kasal muna bago buntis

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Super saya at blooming ang buwan ng mga puso para kay KC Concepcion dahil mukhang nandito na naman sa Pinas ang gwapong French beau na si Pierre Emmanuel Plassart at spotted ito ng KAMI.

Nagbahagi ng isang napaka-sweet na picture si KC kasama si Pierre at sinulatan niya ito ng isang tila na-e-excite na caption sa araw ng mga puso.

Ani pa ng 33-year-old daughter ni Megastar Sharon Cuneta:

"It sure does feel like February...Happy Valentines month, beautiful people!"

Isang fan naman ang nag-komento na magiging maganda raw ang anak nina KC at Pierre.

Agad naman itong sinagot ni KC.

"In Jesus' Name..Amen..haha..Well...Wala pa naman. Kasal first before kids for me."

Mukhang nandito nga sa bansa ang 36-year-old French beau ni KC dahil sa kanyang latest post rin ay nasa eroplano ito at sa isang post ni KC ay nasa Sonya's Secret Garden siya, ang paboritong B&B ni Pierre dito sa Pinas.

Makikita rin sa larawan na ipinost ni KC ang isang lalaki na hawak hawak ang isang payong habang enjoy siya sa pet ng may-ari ng naturang lugar.

Una ng ibinahagi ni KC ang pag-udyuk sa mga kagaya na nasa LDR na setup na kakayanin nila ito.

Si KC Concepcion ay ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa aktor na si Gabby Concepcion.

Last August 2018, nang inihayag ni KC ang pagbabalikan nila ng French beau na si Pierre.

POPULAR: Read more news about KC Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel