BF ng dalagang namatay sa Sinulog party, binigyan umano ng ecstacy ang dalaga

BF ng dalagang namatay sa Sinulog party, binigyan umano ng ecstacy ang dalaga

-Ayon sa report, umamin umano ang nobyo ni Ashley Abad sa doktor na binigyan nga nito ng ecstacy ang kasintahan

-Sa kasalukuyan ay tinitignan pa rin ang anggulong ito ng mga pulis lalo pa at hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakikipag-cooperate ang lalaki sa mga awtoridad

-Maging ang doktor na siyang unang tumingin sa dalaga noong gabi ng Sinulog party ay hinihingan din ng affidavit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panayam kay Undersecretary Aaron Aquino, director general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng DZMM, sinabi nitong narinig umano ng kapatid at isang kaanak ni Ashley Abad na sinabi ng nobyo nito sa doktor na binigyan niya ng ecstacy ang dalaga.

"Allegedly, narinig nung kapatid ni Ashley at isa ring kamag-anak nung nandoon sila sa hospital na yung boyfriend sinabi doon sa doctor na binigyan niya raw ng ecstasy si Ashley so titingnan din natin 'yun," sabi ni Aquino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hiningan na rin ng affidavit ng mga awtoridad ang dokto na unang sumuri sa dalaga noong gabing naganap ang insidente.

Sa kasalukuyan ay hirap pa rin daw ang mga awtoridad na makuhanan ng pahayag ang nobyo ni Ashley maging ang iba pang kasama nila noong gabing iyon.

"Hindi sila nagsu-surface sa amin. Yung mismong boyfriend niya 'di namin alam kung nagtatago siya or what," ayon pa kay Aquino.

Sa isang panayam sa tiyuhin ni Ashley na si Benny Abad, sinabi nitong posibleng may naglagay ng droga sa inumin ng dalaga at naninindigan sila na hindi ito gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na una nang naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel